Chapter 10

176 7 0
                                    

Third person

"Dalian niyo, baka may makakita."

"Pearl anong gagawin namin dito?"

"Bahala na kayo sa kanya."

"Hindi ba kami mapapahamak dito?"

"Oo at babayaran ko pa kayo"

"Sigurado ka ha?"

"Basta gawin niyo ng malinis ang trabaho niyo."

Binuhat ng dalawang lalaki ang walang malay na si Winzea at dinala ito sa lugar kung saan walang tao, sa likurang bahagi ng school may isang kwarto doon na tambakan ng mga kahoy at bakal.

"Kahit ano ba talaga?"

"Oo, di naman tayo taga rito, kaya di naman siguro tayo mahuhuli"

"Sige tanggalin muna natin to"

"Mas maganda unti unti para nakaka thrill"

"Ang ganda naman niya, eto palang malaking pa-bonus na ni Pearl."

"At sexy pa, halos mag kasing ganda nga sila eh"

"Sinong mauuna, dapat ako!"

"Anong ikaw? Ako ang nagplano nito!"

Unti unting minulat ni Winzea ang mata niya.

"Si-sino ko kayo? Nasan ako? Anong ginagawa niyo!"

"Takpan mo bibig niya"

"Sandali-- hmmmm"

Nakatali si Winzea sa upuan at tila walang magawa nang biglang may lalaki na sumipa sa pintuan.

Pinagsusuntok niya ang mga lalaki, ngunit tumakbo din sila upang tumakas nung pinapakawalan niya na sa pagkakatali si Winzea

Nakababa ang suot nitong palda at tila sira na ang butones ng blouse na pwersahang binuksan.

Iyak ito ng iyak, agad naman siyang niyakap ng binata.

"Cleen, di... ko.. alam.. gagawin ko... buti.. dumating ka.." sa pagitan ng mga hikbi ay nakuha pa niyang magsalita.

"Winzea ayusin mo ang palda mo."

Sambit ni Cleen habang nakayakap kay Winzea.

"Tsk. Bakit ba kasi di kita sinamahan!" Naiinis nitong bulong.

Patuloy parin sa paghikbi ang dalaga

"Tahan na Winzea, nandito lang ako."
Agad namang hinubad ni Cleen ang blazer ng kanyang uniform.

"Isuot mo ito, ibutones mo. Iuuwi na kita sa inyo."

---

Isang malutong na sapak ang inabot ni Lewis mula kay Cleen. Kasalukuyan silang nag uusap sa rooftoop.

"Dapat hindi ba pinoprotektahan mo siya?"

"Edi protektahan mo siya?" Tila pride ang umiiral kay Lewis.

"Pinaglalaruan mo lang ba siya? Simula palang alam ko na hindi totoo ang pinapakita mo sa kanya!"

"Naaawa ka lang sa kanya kaya mo sinasabi yan hindi ba?"

"Tapusin mo na, hanggat maagap pa. Paano nalang kung hindi ako dumating Lewis? Paano kung kung hindi ko napansin na ang tagal niya nang wala? Kakayanin ba ng konsensya mo ha?"

"Sige tatapusin ko na kung anong mayroon kami kung iyan ang gusto mo"

Ngunit sa isip ni Lewis ay nais niya lamang iyon tapusin dahil ayaw na niyang mapahamak pang muli ang dalaga nang dahil sa kanya.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now