Chapter 47

116 5 0
                                    

Winzea

Nakailang balik ako sa salamin upang tingnan ang repleksyon ko dito. Okay na, maayos na lahat.

Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili ko. "Kaya ko 'to!"

This is it. My decision is final. Exited na ako tungkol dito.

"Winzea anak, palagi mong iingatan ang sarili mo ha?" Ani mama.

"Opo naman ma." Sagot ko.

"Ma-mimiss ka namin anak. Akala ko pagkagraduate mo ay makakasama ka na namin dito." Ani papa.

Agad naman siyang tiningnan ni mama na para bang may mali sa sinabi niya.

"Ano ba mahal, wag mong sabihin yan, baka maguilty ang anak mo." Utas niya kay papa. Ako din naman ay sabik na makasama sila. Mangyayari din naman yun ulit.

"Basta anak, i-enjoy mo lamang ang ginagawa mo ha? Lagi mong tatandaan na piliin mo kung saan ka masaya." Nakangiting sabi ni mama.

"O siya, lakad na at baka mahuli pa ikaw sa flight mo." Ani papa at pinagtulakan na ako palabas kaya naman napasimangot ako at natawa naman sila.

Niyakap ko sila at hinagkan sa pisngi bago salubungin si Lewis na nagbuhat ng mga gamit ko at inilagay sa trunk ng sasakyan niya.

Kumaway ako sa kanila bilang paalam at kumawat din sila pabalik sa akin bago tuluyang paandarin ni Lewis ang kanyang sasakyan.

"Saan tayo?" Sabi ko.

"Date muna tayo ha Shine, ang pangit naman kasi ng alis mo, anniversary pa natin." Aniya.

Ngayon kasi ang opisyal na pag alis ko upang mag trabaho sa isang kilalang kumpanya ng cruise ship. Sa restaurant ako ng barko magta-trabaho. Pagka-graduate namin, syempre hindi agad pumayag ang papa ko na umalis ako para magtrabaho sa barko, kaya tumira ako kasama nila ng atleast one year habang nagta-trabaho sa malapit na restau. Pero kinalaunan ay pumayag nadin sila.

Inaalok ako ni Lewis na sa kumpanya nalang nila pero hindi ako pumayag. Dahil doon sinasabihan niya ako na ang tigas daw ng mukha ko.

At ngayon, anniversary namin, pero aalis ako. Kaya kahit paano ay may pambawi naman ako na "sige date muna tayo." Sa kanya.

Habang nagmamaneho ay pinatugtog ulit ni Lewis ang stereo at ang kanta ay yung 'passenger seat' ulit. Napangiti ako dahil naaalala ko yung mga panahon na palagi kaming magkasama.

"Sigurado ka na bang aalis ka?" Sa tono ng pananalita niya ay halatang nagtatampo siya kaya naman hinaplos ko siya sa braso.

"Eto naman, 2 years lang naman muna eh." Pilit akong ngumiti pero may lungkot parin kahit papaano.

Bakit ganoon, mahirap magdesisyon kung pipiliin mo ang pangarap mo o ang makasama mo ang mga taong mahal mo. Iba kasi talaga ang feeling of fulfillment pag natupad mo ang pangarap mo.

"Sa D Hotel muna tayo, doon tayo sa garden restaurant kumain." Malamig niyang sabi kaya naman napasimangot ako.

"Isa pa, huwag kang maiinlove kahit kanino doon. Akin ka lang. May tiwala ako sa iyo. " Tila seryoso niyang sabi.

Saglit kaming napatahimik dahil sa mga binibilin niya sa akin ay wala akong masabi. Gusto kong palipasin ang panlalamig niya, paalis na ako mamaya at ayaw ko na magkaaway kami.

"Hindi ka ba masaya para sa akin?" Tanong ko.

"Masaya naman, itatali nga kita." Aniya.

"Ha?" Tanong ko, hindi ko kasi maunawaan ang sinasabi niya.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now