Chapter 5

213 7 0
                                    

Winzea

Padabog kong isinara ang pinto sa rooftop, kami lang ni Lewis ang nandito, kailangan naming mag usap ng walang makakaalam.

Kanina pa salubong ang mga kilay ko habang si Lewis ay patawa-tawa at chill lang

"Di mo naman sinabi agad na gusto mo akong maging boyfriend? Ang bilis masyado kakabreak ko lang gusto mo na agad akong ligawa--"

"Tumahimik ka nga Lewis mali ka ng iniisip." Pagputol ko sa nakakairita niyang sinasabi.

"Diba dapat ako yung galit dahil ginamit mo ako sa harapan ni Cleen? Tsaka di nga tayo close, ni hindi ko pa nga kilala buong pagkatao mo para gamitin ang pangalan ko, hmm.. Matapang ka ha."

"Bakit pangalan ba ikaw ng santo? Tsaka pwede ba tumigil ka nga sa pag ngisi diyan naiinis ako sayo. Pwede bang tulungan mo nalang ako?"

"Ayoko nga, sino ka para utusan ako?"

Sino nga ba ako para utusan siya? Baliw ka na talaga Winzea, you're so hopeless desperate!

"Bakit ba nagsinungaling ka pa kay Cleen, actually close kami kahit paano kaya mamaya sasabihin ko na sa kanya ang kalokohan mo, galit pa naman yun sa sinungaling."

Napaawang ang bibig ko. Masyadong suplado ang lalaking kaharap ko ngayon, unang pagkikita palang namin sobrang mahangin na. Tingin ko wala na akong magagawa para mabago pa ang naiisip niya.

Kumpara kay Cleen na masiyahin, matulungin, palangiti, friendly, mabait, matulungin, palabiro. Etong isang to naman ang kabaliktaran ng lahat, laging masungit, suplado, walang friends, walang pake, mahilig mang asar, di yata mahal ng mama niya.

"Paano ba yan Winzea? Una na ako, wag ka mag alala, sasabihin ko nalang kay Cleen na crush mo ako kaya mo ginamit ang pangalan ko"

Binuksan niya ang pinto at bumaba na, ako naman naiwang nakatulala at lumilipad sa alapaap ang isip

Biglang tumunog ang bell hudyat na mag ka-klase na, dali dali akong bumaba at nagtungo sa classroom pero nauna na ang prof kong masungit.

Yung feeling na pumasok ako ng maaga para hindi malate pero nagkanto?

"You're late Ms. Luna"

Tumingin ako sa orasan ko 7:30 palang, so basically di pa ako late

"Ma'am i'm not, nauna lang po kayo, sorry po."

"Sorry? Pero my policy will rule, pag nauna ako, late na ang mga susunod, you may get out"

Napasulyap ako sa mga kaklase ko, nakita ko ang nag aalalang tingin ni Cleen. Samantalang nakangisi ang ibang mga babae, ughh.

Wala na akong nagawa kundi sumunod, lumabas ako ng classroom at tahimik na nagtungo sa CR walang katao-tao sa corridor siguro dahil class hours.

Tila nanindig ang mga balahibo ko nang may narinig akong nagsasalita sa cubicle, hala may multo ba?

"Pearl, wag please itigil mo ito, nakipag hiwalay na ako sayo" pamilyar yung boses ng lalaki pero pabulong lang ngunit rinig ko.

Teka? May gumagawa ba ng milagro dito? Aalis na ba ako? Pero kung ganon parang kukunsintihin ko sila

"Pag di ka pumayag sisigaw ako dito ng 'rape' madali lang yon, mas maniniwala sila sakin dahil lalaki ka"

Sandaling tumahimik at unti unti akong lumpit ng walang ingay na ginagawa.

"Ahh!! Tulong nirarape ako!" sumigaw yung babae dali dali naman akong nagpunta sa dulong cubicle at tama ako.

Nakita ko ang isang babae na nakakapit kay Lewis, si Lewis naman ay tila namumutla. Anong prolema nun?

Accidental Shiftजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें