Chapter 29

96 5 1
                                    

Theme above: Kahit di mo alam by December Avenue.

Lewis

(Scene also happened at Chapter 21)

Hinatid niya na ako sa tapat ng gate nila kung saan nakaparada ang sasakyan ko.

"Kita tayo bukas sa school ha?" Aniya. Tipid akong ngumiti. Ito na ang pansamantalang huli nating pagkikita shine. Sorry.

"Shine, pwedeng pa-hug?" Tanong ko sa kanya. Sa huling pagkakataon ay gusto kong mayakap siyang muli.

"Sure!" Sagot niya. Nagulat ako nang siya mismo ang lumapit para yakapin ako.

"I will miss you." Sabi ko sa kanya. Matagal tayong di magkikita shine. Sana kayanin ko.

"Tigilan mo nga ang pagpapakilig mo sa akin, kakasama palang natin miss mo na ko agad." Natatawa nuyang sambit.

"Ganoon ako ka-inlove sayo." Sabi ko bago ako kumalas sa yakap namin.

Nagpaalam ako at umalis na. Ayokong lumingon pa dahil baka hindi ko kayanin na iwan siya.

---

Pumasok na ako sa aking kwarto at umupo sa aking kama. Napatingin ako sa drawer katabi ng kama ko.

Sinulyapan ko ang mga litrato na pinaprint namin ni shine bago kami tuluyang makauwi kanina.

Nakakuha ako ng isang bakanteng photo album sa drawer ko at napagpasyahan ko na ilagay ko ito doon isa-isa.

Nang ilalagay ko na muli ito sa drawer ay natagpuan ko ang isang brown envelope doon. Ito yung naglalaman ng medical diagnosis ko.

Dali dali kong pinindot ang isang contanct number sa cellphone ko.

"Bukas mom." Sabi ko pagkatapos niyang tanungin kung kailan ako aalis.

"Luwi, bakit kasi ngayon lang naisip pumayag sa operation? Dapat noon pa." Ani mommy.

"I realized, I want to live longer mom." Bumuntong hininga nalang si mom. Wala na siyang magagawa.

Noon pa man ay matigas na ang ulo ko, pasaway, lahat ng layaw ko ay nasusunod. Party dito, gala doon. Bar sa gabi, roadtrip sa umaga. Kumbaga masaya.

Napansin kong lagi akong nilalagnat pag madalas akong mapagod.
Hanggang sa madiagnose ng doctor na mayroon daw akong Familial Valvular heart disease. Iyon din ang sakit na ikinamatay ng aking lolo sa edad na 47. Siya ang founder ng University.

Nasa States si Mom at Dad dahil sa work. Nagdesisyon sila noon na doon kami titira. Anila'y mas magaling ang mga doctor doon. Kaya naman sumunod ako doon.

Nais nilang ipakasal ako mula sa mayamang pamilya, iyon ay si Hope. Sa pagnanais na magkaapo agad sila. Natatakot silang mamatay ako at walang maiwan na tagapag mana.

Nung una, pinakisamahan ko si Hope, pero parang may mali kasi lagi lang kaming nag aaway.

Hindi nagtagal ay nagdesisyon ako na tumanggi sa engagement. Ayaw ni Hope pumayag sa desisyon ko dahil gustong gusto niya ako. Kaya sinabi ko sa kanya ang tungkol sa sakit ko. Hindi siya naniwala pero nung pinakita ko na ang diagnosis sa akin ng doktor ay pumayag na rin siya.

Sobrang na disappoint ang mga parents ko sa ginawa ko. Ano pa nga bang aasahan nila sa isang Lewis na katulad ko?

Nung araw ng operation ko ay hindi ako sumipot. Nagpasya ako na umuwi sa bansa mag isa.

Tinanggap ko na lang sa sarili ko ang aking sakit at tanggap ko na ang kamatayan ko. Nagdesisyon ako na mamuhay mag isa kaya nagpagawa ako ng munting bahay sa private property namin sa Jovial Zone.

Accidental ShiftDonde viven las historias. Descúbrelo ahora