Chapter 25

99 8 0
                                    

Winzea

"Waaaa! I miss you Winzea!" Ani Railyn. Sinalubong niya agad kami ni Cleen nang sinabi kong pauwi na kami. Nandito kami sa bahay ko ngayon.

"Grabe three days lang naman akong wala!"

"Kasi naman ninakaw ka ni Cleen sa akin hmp!" Nagpout siya at umirap kay Cleen.

"Oh siya aalis na nga ako nang mag usap kayong dalawa." Natatawang sabi ni Cleen.

"Mag iingat ka." Sabi ko.

"Wag ka nang babalik! Joke." Sabi ni Railyn sabay yakap sa akin.

Natawa naman si Cleen habang naglalakad palabas. Narinig namin na pinaandar niya ang sasakyan niya na iniwan dito nang nagbakasyon kami, at tuluyan na siyang umalis.

"Anong nangyari Winzea? Bakit kayo ni Cleen ang magkasama?" Tanong agad ni Railyn. Hindi ko na kasi nasabi sa kanya at nagtext lang ako na ganun ang gagawin ko sa sembreak. Alam kong bubugbugin niya ako ng tanong.

"Sumama lang naman ako kasi wala akong gagawin ngayon sembre—"

"Kayo pa ni Lewis hindi ba? Ano yun Winzea hindi ka makapili ng isa sa kanila?" Seryoso si Winzea ngayon alam kong nag aalala siya sa akin.

"Ayokong nahirapan ka, masasaktan ka pag nagkataon Winzea. Masasaktan ka, makakasakit ka pa ng iba. Wag mong gawin ang mga bagay na ito dahil nalilito ka lang." Aniya

"Hindi na ako nalilito Rai. Nagdesisyon na ako. Move on na ko, i'll let go of Lewis." Sabi ko na ikinagulat niya.

"Winzea! Ang saya saya mo nung kinukwento mo si Lewis sa akin. Tapos ngayon naman ganito. Let go agad? Sabi mo nung una hihintayin mo siya?" Aniya.

"Napagod na akong maghintay sa walang kasiguraduhan kung babalik pa nga ba siya. Ni hindi nga siya nagpaalam eh!" Pagkasabi ko nun ay natahimik si Railyn.

"Okay.. sorry Winz. Nag aalala lang talaga ako. Pero sana panindigan mo ang lahat ng desisyon mo." Ani Railyn. Kita ko sa mga mata niyang nag aalala nga siya.

Naging okay din kami ni Railyn at sabay kaminh kumain ng hapunan at nagbonding kahit paano. Mamiss namin ang isa't isa.

"Oh sige na aalis na ako. Bukas sabay tayong mag enroll ha?" Aniya.

"Ah pwede tayong sabay pumunta sa school Rai kasi mag kaiba tayo ng department." Sabi ko.

"Oo nga pala. Tsk! Feeling ko kaklase parin kita eh. Hmm. Sige na nga. By the way, ang sarap ng luto mo Winz! Buti nalang nag shift ka hahaha." Nagtawanan kaming dalawa ay sumenyas ako ng alis na.

"Tsupi! Layas na manglalait!" Sabi ko at tatawa tawa siyang umalis.

---

Mabilis lang kaming nakapag enroll at mabilis na nagsimula ang klase.
Yun parin ang mukha ng mga kaklase ko. Nabawasan nga lang dahil ang iba ay hindi na nagtuloy sa pag aaral. Ang dating 30 ay 20 nalang ngayon. Kasama si Lewis sa nawala doon.

"Winzea!" Tulad ng dati ay maganda parin siya at masiyahin, medyo mahaba na ng konti ang buhok ni Hope ngayon.

"Uy kamusta." Bati ko.

"Eto as usual okay parin. Ikaw ba?" Sabi ko.

"Nagbakasyon ako sa States nung sembreak. Alam mo ba ang lamig doon pag ganitong season na." Aniya

Patuloy pa siyang nagkukwento pero nung pumasok ang prof ay natahimik rin siya agad.

"Malayo pa ang College week na ng department natin, pero dapat ay paghandaan na natin iyon. Kung may suggestions kayo, wag kayong mahiyang magpost sa forum." Ani prof.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now