Chapter 46

97 4 1
                                    

Winzea

"Winz eto bagay sa iyo!"

"Ano ba Rai, masyadong daring naman yan oh. Backless na nga malalim pa neckline! Gusto mo ba akong magkaroon ng pulmonya?"

"Edi ito?"

"Masyado naman atang maikli yan at fitted pa!"

"Ito nalang?"

"Hmmm, manipis eh Tingnan mo oh, see through pa ang bewang niyan."

"Napaka arte mo naman girl! Parang manang ka naman eh. Papatungan naman ng toga yan! Ikaw na nga mamili!"

Pag dating talaga sa taste ng isusuot ay magkaiba kami ni Rai, natawa na lang ako nang humalukipkip siya at naupo sa sofa ng boutique habang tinitingnan ako. Nasa mall kasi kami ngayon at ito ang napili naming store.

"Ano na?" Iritado niyang tanong.

Ngiti lamang ang iginanti ko sa kanya kaya napasimangot siya. Maya maya naman ay natawa na siya. Loka loka talaga.

Bukas na kasi ang graduation namin kaya naman niyaya niya akong lumabas ngayon para mamili ng bistida na susuotin, kasama na din sa paglabas naming ito ang date namin, mag papa-salon at kakain.

"Baka naman gown ang gusto mong suotin!" Napangiwi ako sa sinasabi niya. Like duh, mas mahaba pa ang gown kaysa sa toga no.

Napangiti ako nang makita ko ang isang dress na sleeveless. Kulay baby pink ito at maganda ang tela na flowy ang ibabang bahagi. Nang itinapat ko ito sa sarili ko ay above the knee ko lamang.

"What do you think Rai?" Napalingon siya sa akin nang itanong ko iyon.

"Not my type, but it's simple yet elegant. Lahat naman yata bagay sa iyo Winz." Aniya. Napangiti naman ako at namili pa ng ibang option in case na mag bago pa ang isip ko. Pagkatapos namin magbayad ay nagtungo naman kami sa shoe section at namili ng sapatos.

Nang kuntento na ay nag desisyon kaming kumain.

"Winz, inabot na tayo ng 12!" Nakasimangot niyang sabi. Dahil nga ganun ay wala kaming makitang maluwag na pwesto ng kainan.

"Huhu gutom na ko waaaa." Natawa nalang ako, Rai is always like that. Childish.

"Winz, ang bigat pa ng dala natin." Aniya.

"Makakahanap din tayo ng kainan Rai tiwala lang." Sabi ko at inasar asar pa siya.

"Ang dami mo naman kasing binili, wala naman ikaw taga-buhat." She rolled her eyes kaya natawa ako lalo.

"Gutom na, may epilepsy pa."

"Huhu Winz! Kahit tea shop nalang o cofee shop basta pantawid gutom lang!" Aniya.

"May alam akong cafe, sa labas nga lang, sure ka?" Tanong ko kaya naman napangiti siya.

"Go na!" Aniya at naglakad na kami palabas sa mall.

Nang makarating kami sa cafe ay agad kaming nakahanap ng pwesto dahil maluwag naman dito at kaunti lang ang tao.

"Ouch, my feet hurts a lot." Ani Rai at hinihimas pa ang kanyang sakong na namumula habang nakaupo kami.

"Pwede naman kasing mag flats, bakit nag heels ka pa." Natatawa kong sabi.

"Dapat kasi ay laging maganda at may poise! Okay na ang masaktan, basta maganda ako." She said confidently and then flipped her hair.

"Tiis ganda lang ang sasabihin, pinahaba mo pa." Sabi ko.

Umorder na kami ng pagkain. Tig-isang creamy carbonara, isang caramel macchiato para sa akin, at choco loco frappe naman ang kanya, umorder din kami ng fries at clubhouse.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now