Chapter 26

91 7 0
                                    

Winzea

"Pasensya ka na Winzea." Ani Cleen. Kaming dalawa ay magkasama ngayon dito sa dike. Tanaw namin ang mga tubig at ilang bangka. Hapon na ngayon pero naisipan naming mamasyal.

"Saan naman?" Natatawa kong sabi. Tumingin ako sa kanya ngunit malayo parin ang kanyang tingin.

Ilang buwan narin ang lumipas mula noong nagpasya akong i-entertain siya. Masaya siyang kasama, at kadalasan pinapakalma niya ang mundo ko.

"Wala lang, gusto ko lamang humingi ng pasensya." Aniya. Sinuntok ko siya sa braso at natawa naman siya.

"Gusto ko lamang magkaroon tayo ng mga ganitong pag uusap. Lagi nalang kasing clown ang tingin mo sakin Winzea." Aniya at biglang tumawa pagkatapos akong sulyapan.

"Palagi mo akong pinapasaya, pero ikaw lagi kang malungkot! " sabi ko naman.

"Hindi ah." Pagtanggi niya.
"Pero sorry Winzea. Gusto kong balikan yung araw kung saan tayo unang nagkakilala. Noon, ayaw ko lamang na mapalapit ka kay Lewis kasi pakuwari ko kapatid kita na kailangan kong protektahan. At the same time, nakita ko naman na iba si Lewis nang makilala ka niya kaya hinayaan ko kayo. Pero nung tumagal tagal nasaktan na ako. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Hanggang sa pumasok sa isip ko na agawin ka, pero nagtatalo ang isip at puso ko. Ayaw kong masisira ang pagkakaibigan namin. Ayaw ko din na kamuhian mo ako. Basta magulo, mahirap i-explain. Sana makuha mo ang ibig kong sabihin kung bakit dati, ganoon ako kahit alam ko na crush mo ako."

Tumango naman ako sa sinasabi niya. Medyo naguguluhan nga lang ako.

"Noon kasi, hindi ako totoo sa feelings ko. Sinabi ko kay Lewis na kapatid ang tingin ko sayo. At pinilit ko din naman ang sarili ko na maging hanggang doon lang. Pero hindi eh, pag ibig nga naman. Alam kong crush mo ako, tinaboy kita at sinabi kong kapatid lang kita. Pero pagkatapos noon nagkagusto naman ako sa iyo, kaya nga lang. Hindi mo na ako gusto. Nakakapanghinayang. Ang dami kong what ifs."

"Ano ba Cleen. Bakit ba sinasabi mo iyan? " tanong ko.

"Wala lang, trip ko lang. Hindi ko alam kung kailan nagsimula yung nararamdaman kong ganito basta ang alam ko lamang ay nagising ako isang araw na nag aalala ako para sa iyo. At palala ng palala ito, habang malayo ka sa akin." Aniya.

Nag iwas ako nang tingin, nakita ko na may mga musikero na tumugtog sa medyo malayo sa amin. Tuwang tuwa ang mga tao sa kanta nila.

Tumayo naman si Cleen at hinigit ang kamay ko at napatayo naman ako.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Basta." aniya at hinila ako patungo doon sa mga may kumakanta. Binatawan niya ang kamay ko at iniwan akong nakatayo kasama ang medyo maraming tao.

Lumapit si Cleen sa kanila at may binulong doon. Tumango naman sila at nag abot si Cleen sa kanila ng bayad. Kinuha niya ang gitara. Humarap siya sa akin. Nagstrum siya at tumitig sa mga mata ko nang diretso. Kinilig ang mga tao nang magsimula siyang umawit habang tumutugtog ng ibang kasama niya ng ukulele, tamborine, maraca at cajón.

Paulit ulit nangagawit ngunit pumapag asa pa
Umaawit ngunit sabi'y di mo ba napupuna?
Na pinapangarap ka, Ngiti't kislap ng 'yong mata
Masisi mo ba ako?~

Tumili ang ibang babae at tila kinilig. Kumalabog naman ang puso ko dahil sa ginagawa ni Cleen.

Kung tinamaan ka na pala, Maaalala mong mahirap mag isa
Naririnig mo ba?

Napansin kong dumadami ang lumalapit para manuod, mayroon pang kumukuha ng video.

Ang pag ibig nga naman kapag ika'y natagpuan
Ika'y mababaliw, mawiwindang, maiiyak, masasaktan
Ngunit kahit ganito. Ulit parin tayo
Pagka't pag ibig ang sagot sa buong mundo

Accidental ShiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon