Chapter 3

258 10 0
                                    

Winzea

"Nakauwi na po ako!"
Dahan dahan kong hinubad ang sapatos ko bago ako pumasok sa loob ng bahay, sakto naman na nanunuod si Mama at Papa ng TV.

Pasimple akong tumabi sa kanila at nagmano.

"Oh Winwin, kamusta ang school?"
Tanong ni papa, mukhang good mood sila ah

"Ma, Pa. May ipagtatapat po ako sa inyo."

Nakita kong napatigil sila sa panunuod at nagkatinginan silang dalawa, biglang sumeryoso ang mukha nila. Naku patay ako neto.

"Winwin, bagsak ka?"

"Win nahihirapan ka na ba mag aral? Pwede ka naman magpahinga wag mo pilitin"

"Winwin okay lang kahit di ka na honor student, kahit na di ka makapasa sa scholarship kaya naman kita pag aralin e"

Salit-salitan na sila nagsalita ng posibilidad na pwede kong banggitin. Hay nakooo.

"Ma, Pa. Di po ako nahihirapan, pero mukhang mahihirapan po ako ngayon. Napagdesisyunan ko po kasi na mag shift ng HRM."

Kailangan kong magsinungaling. Kahit na di ko gusto, kailangan kong ipakita na gusto ko talaga mag shift para hindi sila mag alala sa akin. Kilala ko si Mama at Papa, kahit maghirap sila gagawin nila para bayaran ang pag drop at pag re-enroll ko. Kaya kailangan kong makumbinsi sila na gusto ko to.

"Winwin? Talaga anak hay sa wakas matututo ka na din magluto! Di na natin titiisin ang luto ng mama mo na maalat!"

"Aba kung maka maalat ka naman! Ikaw nga kahit pag sasaing sunog pa aber!"

Hala nag away na sila naku po.

"Winwin anak, galingan mo! Sa wakas magkakaroon na din tayo ng anak na pwedeng mag manage ng hotel, matututo kang magluto at magtayo ng sariling business!"

Sobrang palad ko dahil may mga magulang akong sumusuporta sakin kahit na anong mangyari. At masaya ako dahil di naging mahirap para sa kanila tanggapin yun. Kaya para sa kanila, pagsusumikapan ko lalo.

---

*HRM DEPARTMENT*

Di ko mapigilan ang kabog ng dibdib ko, halos di ako makatulog kagabi, buti nalang at 10 ang pasok ko kundi malamang nalate na ako.

Sobrang biglaan ang nangyari, ni hindi ko ito expected. Sana naman makahanap agad ako ng kaibigan dito. Pakiramdam ko isa ulit akong first year student na bago palang papasok.

Tumigil ako sa tapat ng pintuan. Eto na siguro ang HRM II block A. huminga ako ng malalim at tsaka ko binuksan ang pinto at dire-diretsong pumasok.

"Huh? Sino sya"

"Transferee?"

"Baka naman Shifter.. "

"Matangakad siya feeling ko bagay siya sa Tourism department"

Lumingon ako sa paligid, wala nang bakanteng upuan. Ano nang gagawin ko?

"Winzea, dito ka na umupo"
Lumingon ako sa likod ko at nakita ko na naman siya. Si Zedler.

"Eh?"

"Mali ba pronounce ko sa pangalan mo? Sorry hehe"

"Hindi! Eh paano ka? Saan ka uupo?"

"Kukuha lang ako ng upuan sa facilities kaya ikaw na maupo dyan okay?"

Dali-dali naman siyang tumakbo palabas ng klase, hala nakakahiya na ng sobra.

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now