Chapter 11

175 8 0
                                    

Winzea

Unang sinimulan ngayon araw ang laro namin, ang baseball. Makikita ang mga estudyante na excited na nanunuod sa paligid.

Nandito kami ngayon sa baseball diamond field kung saan suot na namin ang aming mga uniporme. Baseball uniform, napalaki ang size ng shirt ko dahil di naman kami hiningian ng sizes.

Kinakabahan ako dahil ngayon lang ulit ako makakapaglaro ng nito pagkatapos ng ilang taon.

Dahil kami ang offense, ang kalabang team ang nasa field ngayon at isang member namin bilang batter.

Hindi per courses ang laban kumpara sa exhibit kahapon, kaya pwedeng bumuo ng sariling team kahit hindi kaklase. Kakampi ko ngayon sa team si Rai.

Sa bilis nang pangyayari, ako na ngayon ng nakaline up bilang batter. Hawak ko ang baseball bat at nanginginig ako.

"Go Winz! Whooo kaya mo yan" cheer ni Rai

"Galingan mo team mate!" Sigaw ng isa kong kakampi.

Pumito ang umpire at inihanda ko na ang sarili sa pag palo sa bola. Mabilis itong inihagis ng kalaban.

"Strike! "

Uhh. Mukhang mapapahiya ako.
Umulit ang pitcher sa paghagis at sa pagkakataong iyon ay napalo ko ang bola, namalayan ko nalang ang aking sariling tumatakbo pabalik sa base.

"Homerun!"

Sa wakas naka score din.
Nagpatuloy ang laban at nang kinalaunan ay kami naman ang defense.

Eto na ang pagkakataong hinihintay ko. Ang maging pitcher.

"Strike!" Sa unang hagis ko ay hindi na-hit ng kalaban ang bola

"Strike!" Pangalawa na, last na lang.

"Strike!" Nakita ko ang frustration sa mukha ng kalaban.

Pagkatapos makatatlong strike ay nilagyan ang scoreboard namin ng "3"

Nagpatuloy lamang at nagtagal ang laban. Kinalaunan ay natapos din ang laban at nagwagi kami.

"Wohooo! Ang galing mo talaga Winzea, di parin kumukupas!"
Puri ni Rai

"Nako, baka lumaki ang ulo ko, magaling ka kasing catcher kaya nagwagi rin tayo, lahat sa team magaling! Kahit mga baseman at fielder!"

"Naparami tayo sa homerun! After all kahit iba iba ang members ng team not bad!" Sambit ni Ria, taga kabilang section.

Nagyakapan ang buong team namin habang tinatanggap ang trophy.

---

"Nice one Winzea!" Bati ni Cleen

Ang gwapo niya at fresh pa, mukhang di pa sila naglalaro. May suot siyang red na jersey, na may number 10. Iba ito sa jersey na suot niya nung una ko siyng nakita.

"Hala nanuod ka?" Nahihiya kong tanong. Syempre nakakahiya no. Kung alam kong pinapanood ako ng crush ko ay mahihiya talaga ako.

"Oo naman, unfair mo, di mo sinabi sa akin na maglalaro ka ng baseball! Samantalang ako pinipilit kitang panoorin mo ako."

"Luh, baka kasi makita mo ang kalampahan ko eh."

"Di ah, ang galing mo nga eh. Buti nalang sinabi sa akin ni Lewis na manood kami sa game mo."
Sambit niya sabay tapik sa ulo ko.

Napaupo naman ako bigla sa sobrang sakit ng paa ko.

"A-aray."

"Anong nangyari Winzea?" Agad naman niya akong dinaluhan

Accidental ShiftOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz