Chapter 44

77 6 0
                                    

Winzea

Ang bilis lamang lumipas ang mga taon. Last year na namin ngayon sa Dawson, ilang buwan na lamang at ga-graduate na kami. Pero sa ngayon ay bugbog kami sa dami ng events na pakulo ni Hope. Ano pa nga bang aasahan namin, matapos niyang maipanalo ang pagiging president noong 3rd year ay panalo parin siya hanggang ngayong 4th year na kami.

Syempre natuwa ang mga estudyante dahil maganda siyang gumawa ng mga programa at lahat ng mga plataporma niya ay naipatupad niya talaga. Yun nga lamang 3rd year pa lamang siya ngayon dahil hindi na-credit ang ibang mga subjects na pinag aralan namin sa HRM, magkaiba kasi ng curriculum.

"Winzea tikman mo ito oh." Agad ko namang kinuha ang chopsticks na hawak ni Cleen at kumuha ng maki-sushi na gawa niya.

"Hmmm. Hindi ka parin nalalaos!" Sabi ko sa kanya at nag apir kaming dalawa.

"Salamat Winz, teka nasan jowa?"

"Nandyan lang iyon sa tabi tabi." Sabi ko at muling kumuha ng sushi.

"Tama na huy, wala na tayong maibebenta niyan. Tsk!"

Nagtawanan naman kaming dalawa at agad nawala ang ngiti ko nang sumulpot si Hope.

"Hoy! Walang landian ng jowa. Subuan mo nga ako niyan Linis! Ahh" Ani Hope kay Cleen at ibinuka niya ang bibig niya.

Kinilig naman ako para sa kanila at agad kumuha si Cleen ng sushi at isinubo kay Hope.

"Ano Pag-Asa, masarap ba?"

"The best!" Sagot ni Hope at naka thumbs up pa.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat at kung kailan pa naging sila. Sobrang busy ko kasi kay Lewis na tipong siya na lamang ang napapansin ko. Pero masaya ako para kay Cleen at Hope. Si Cleen na sobrang masiyahin at si Hope na sobrang daldal. Sana hindi sila mag break agad. O sana hindi na sila maghiwalay.

"Tsk! Hindi magandang ehemplo ang presidenteng nakikipaglandian sa jowa habang nakikita ng ibang mga estudyante."

Napalingon kami sa likod namin at nakatayo doon si Lewis, may suot siyang wayfarer at may bouquet ng iba't ibang mga bulaklak. Agad niya naman iyong inaabot sa akin.

"Kayo lang ba ang may karapatang mag landian? Hoy baka nakakalimutan mo Lewis Dawson, ako ang presidente ng SSG, pwede akong gumawa ng policy na bawal ang outsiders pag may event!"

"Tama na yan Pag-Asa, wag kang highblood." Natatawang pagkalma ni Cleen si girlfriend niya.

"I cringe sa endearment niyo." Nakangiwing sabi ni Lewis.

Akala mo naman hindi nakaka-cringe ang tawagan namin. Hay nako.

Nagtawanan lamang kami at patuloy na tinapos ang dapat naming gawin para sa school festival.

---

"Uuwi na kami bye!" Agad kinuha ni Lewis ang kamay ko at pinagsalikop niya iyon sa kanya. Agad namang nilapit niya sa kanya ang likod ng kamay ko at hinalikan iyon.

Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at agad naman akong sumakay doon, sumakay na din siya at nagmaneho.

"Pag naka-graduate tayo, anong balak mo?" Tanong niya

"Maglakbay parin sa buong mundo." Sagot ko.

"Grabe, dinaig mo pa si Magellan." Agad ko naman siyang hinampas sa braso niya.

"Aray! Haha." Natawa pa ang loko.

"Basta mag travel lang Lewis. Kahit hindi naman buong mundo, basta yung mga lugar na hindi ko pa napupuntahan."

Accidental ShiftWhere stories live. Discover now