16. Friends?

1.1K 163 41
                                    


Chapter 16: Friends?

Kanina pa ako pabalik-balik sa pinto ng kwarto ni Oliver. I guess it's been 1 hour na rin ang lumipas nang iwanan niya 'ko dito at mga ilan beses na rin ako nagtangkang katukin ang kwarto niya para humingi ng tawad ngunit lagi ako pinangunguhanan ng kaba at hiya.

So now, I'm trying to calm myself again and again. "Jamilla, huminga ka nang malalim." Tulad ng sabi ko ay huminga nga ako nang malalim. "Just calm yourself, Jamilla. Kakatok ka lang at mag-so-sorry. 'Yong lang ang gagawin mo. So don't be afraid. Si Oliver lang 'yan." Tumayo muli ako sa 'kin pagkakaupo at naglakad papunta sa kwarto niya. Mga ilan hakbang pa lang ang nagagawa ko, my heart starts to beats quickly. I tried to fight it pero hindi ko talaga kayang pigilan. Huhu!

Bumalik muli ako sa sofa at hinilamos ang unan sa akin mukha. Huhuhu! Ba't 'di ko magawang magsorry? Kung pwede lang ipatanggal itong kabang ito, siguro kanina ko pa nagawa 'yong gusto kong gawin at sigurado wala na 'kong iniisip na problema.

"Ano ba self? Please naman, makisabay ka sa gagawin ko, kahit ngayon lang, oh. Pagbigyan mo na 'ko!"

Pinikit ko muli ang aking mga mata at nagsimula muling pakalmahin ang aking sarili. "Relax, Jamilla. Ang dali-daling mong tarayan siya pero magsorry hindi mo pa magawa? Universe? Pahingi namang tulong. Kailangan kita ngayon, e. Magparamdam ka naman kahit nga-"

"Anong ginagawa mo?"

Meron akong narinig na isang taong nagtanong sa akin, mas lalo akong kinabahan dahil sa boses na 'yon. Dahil alam kong 'tong tao na 'to ay si Oliver. What else I do expect? Dalawa lang naman kami dito sa Condo niya.

Kabado akong tumingin sa kanya. Bakas rito ang pagtataka habang kinakamot ang batok niya. Bakit hindi ko manlang narinig na bumukas 'yong pinto? Gosh.

"Hmm.. Naghahanda para magsorry sa 'yo?" Patanong kong sagot at sabay tungo dahil ayokong makita kung ano magiging reaction niya. Bes, wala na itong atrasan, ito na 'yong perfect time to say sorry to him. Kabang-kaba na ako. Gosh. I don't like this feeling anymore.

"Seriously? Hahahaha." Teka nga. Hindi naman ganito ang reaction na i-ne-expect ko mula sa kanya, ah. Kasi imposibleng naman tawanan niya lang ako. Hindi rin naman siguro mali 'yong sinabi ko.

"May mali ba akong sinabi?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Wala. Haha. Natatawa lang ako kasi hindi ko akalain na hindi ka pa rin maka-get over sa nangyari kanina." Matatawa-tawa niyang saad. Tsk. Eh, kung hindi kaya siya nag-walk out kanina, e di sana okay ako ngayon.

"Feeling ko kasi nasaktan ko 'yong damdamin mo kaya bigla kang naglakad pabalik sa kwarto mo." Nakita ko siyang lumapit sa akin at naki-upo rin sa sofa.

"Jamilla, 'wag kang OA. It's doesn't mean na umalis ako ay nasaktan mo na agad ang damdamin ko. Haha. Gusto ko lang ulit matulog, kaya wala lang 'yong pagwalk-out ko." Ano ba 'yan. Kanina ko pa binibigyan 'yong sarili ko ng lakas ng loob tapos siya paeasy-easy lang pala sa kwarto niya. Then ngayon, sasabihin niya lang sa akin na wala lang pala 'yon. Wow, ang sarap niyang ilubog sa kumukulong putik.

"Pero sorry pa rin." Ayaw kong ipakita sa kanya na apektado ako sa ginawa niya kanina. Umaarte akong okay lang 'yong ginawa niya para malaman ko rin kung anong background no'n toblerone. Gusto ko rin siyang tulungan or shoud I say bigyan siya ng advice para sa kung anong problema niya sa toblerone na 'yon.

"You don't have to say sorry, wala kang naging kasalanan because you haven't any part of my past." Parang pakiramdam ko may kumirot sa puso ko dahil sa huli niyang sinabi, parang pinaparamdam na niya sa akin na hindi ako makakatulong. Psh. Sayang bibigyan ko pa man din siya ng matindihang advice ng isang Jamilla. "But now you're starting to have a part in my future." Dagdag pa niya na ikinadahilan nang paglabas ng kaba ko sa aking dibdib. Gosh. Anong sinasabi ng Mokong na 'to?

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon