55. Truth Or Dare

442 44 7
                                    

Chapter 55: Truth Or Dare

"Sino ang mauuna?" Tanong ko.

"Sige, ako na lang," Volunteer niya. Agad niyang ipinasok ang kamay sa loob ng garapon at kumuha ng isang papel.  Pinapanood ko lang siya habang excited malaman kung ano iyon. "It was a dare," Huminga muna siya nang malalim bago niya iyon basahin. "Let someone touch one part of your body for about 20 seconds."

"Seriously?" Iniharap niya sa akin 'yong papel bilang patunay.

"Since tayo lang naman dalawa ang naglalaro rito. Basically, ikaw ang hahawak sa akin," He winked his left eyes and it made me feel awkward.

"Ew! Kadiri ka!"

"Green minded," He chuckled. "Don't worry, just hold my hand for 20 seconds and that's it. Simple as that."

Hindi na ako nagdalawang-isip pa para kunin agad 'yong kamay niya at hawakan ito nang mahigpit, nagulat pa siya sa ginawa ko but eventually, naramdaman kong he also closed his finger into mine. Alam kong hindi siya kumportable dahil hindi siya makatingin sa akin nang maayos and I also feel his hand seems starting to moist.

"Okay na! 20 seconds has ended up," Binitawan niya agad ang kamay ko at pinunasan agad iyon gamit ang panyo niya.

"Pasmado ka?"

"Yep, but not all the time," Tumango-tango ako. "Your turn. Pick one!" Bahagya niya pang hinalo ang mga papel sa loob ng garapon bago niya ito ibinigay sa akin.

Pagkabunot ko ay agad ko iyon binasa. I raise my left eyebrow while reading it. "Truth. Do you pee in shower?" It was a craziest question I've read. "What kind of nonsence question is this? Pambihira, do I have to answer this?"

Humagalpak pa siya nang tawa at halos maluha-luha na. Samantalang ako, hinihintay siyang matapos. "Sorry," sabi niya habang nagpapahid ng luha. Nang mag-subside ang tawa at luha niya ay tumingin na ito sa akin nang deretso.

"Okay na? Tapos ka nang tumawa?" Malamig kong tanong.

"Sorry na. What's your answer, then?" Matawa-tawa niya pa rin sabi.

"Okay, fine. Minsan lang kapag tinatamad pumuntang toilet."

Mas lalo pa siyang humagalpak ngunit maya-maya sinundan ko na rin iyon. Actually, napatawa ako hindi dahil sa sagot ko, kung hindi sa paano siya tumawa. Napapaluha na naman siya, eh.

Sandali akong napatingin sa kanya, muling nag-flashback sa utak ko kung paano niya ako itrato kahapon, ibang-iba ang nasasaksihan ko ngayon. His blank face yesterday didn't exist now. And I'm happy for that even it's kinda weird.

"Sorry ulit," Nagpahid ulit siya nang luha niya. "Tinatamad ka pang pumuntang toilet? Eh, malapit lang naman iyon sa shower, ah."

"Ganoon ako katamad," Sabat ko. "Ikaw na sunod."

Kumuha na siya ng isang papel at binasa ito. "Describe what's your crush looks like."

"Dali! Sagutin mo na."

"Probably, she's the most beautiful creature I've seen. Napakasimpleng mag-ayos ng sarili and yet, still beautiful in my eyes. Kapag nasisilayan ko 'yong ngiti niya, mas lalo akong nahuhulog. Then, 'yong mga mata niyang nang-aakit, hindi ako magsasawang titigan iyon gabi-gabi. Siguro, baliw na nga ako sa kanya ngunit masaya ako para doon. Actually, 'yong histura niya bonus lang para sa akin iyon, eh. I'm more in love with her attitude, minsan na niya akong tinulungan sa problema ko. Napakabait at maintindihin," Napangiti ako sa mga sinabi niya. Napaka-sweet. Halata sa kanya kung paano siya hulog na hulog sa crush niya, base sa kumikinang niyang mga mata. Kung sino man iyon, huwag siyang magkakamaling i-reject itong si Prince.

broken trustOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz