10. That Numbers

1.4K 235 78
                                    


Chapter 10: That Numbers

Kasalukuyan akong nakaupo and waiting for our next teacher in AP. Si Oliver naman ay nakikinig lang ng music gamit 'yong ear phone niya.

"May papel ka?" biglang tanong niya sa akin kaya tumingin ako sa kanya nang may pagtataka. 'Wag niyang sasabihing hindi pa siya nakakabili ng papel at manghihingi na naman siya sa akin. Kapal ng mukha, ah.

"Yes, why?"

"Gusto ko lang malaman mo na may quiz sa AP ngayon about sa diniscuss ni ma'am Reyes kahapon. Be prepared." Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Don't you worry, hindi na ako manghihingi sa 'yo. Nakabili na ako," dagdag niya pa at bumalik ulit sa pakikinig ng music.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala ng oras para mag-review. Anak ng tokwa, paano na ito? Absent ako kahapon, pa'no ako makakapagsagot niyan? Ayoko naman manghula.

Tatanungin ko na sana si Oliver kung meron siyang notes but it's too late because Ms. Reyes entered our classroom already. Unti-unti nang nabubuhay ang pawis ko sa mukha kahit malamig naman ang paligid.

Kaasar naman itong si Oliver, sinadya niya talagang ngayon ipaalam sa akin iyon para hindi na ako makapag-review pa. Nakakatakot pa naman si Ms. Reyes magalit kapag may nakakuha ng zero sa subject niya. Gosh. Anong nang gagawin ko ngayon?

"Good morning!" Mas lalo akong kinabahan nang magsimula na itong magsalita. Tumayo rin kami para batiin siya. "Okay, sit down. Get one whole sheet of paper," utos niya.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at nangangatal kumuha ng papel sa loob ng bag ko. Paulit-ulit akong nagdarasal na sana naman meron akong maisagot mamaya, kahit mga 5 items lang, at least meron akong tamang naisagot kasi 1-10 lang naman 'yong sasagutan, eh.

"Ayan, absent pa," ngising bulong ni Oliver ngunit hindi ko siya pinansin. Alam ko naman na ako lang ang pinaparinggan niya. Pansin kong walang siyang kakaba-kaba, sabagay pumasok 'yan dito kahapon, so I expect him he will get a perfect score. Sana all.

-

Nawindang ako nang mahawakan ko na 'yong test questionaire. Binasa ko 'yong mga tanong pero hindi ko magawang maintindihan, inulit-ulit kong basahin kaso hindi ko talaga kaya. Ano klaseng mga tanong 'to? Saan lupalop ng Pilipinas nakuha ni ma'am ang mga tanong na 'to? Napakahirap. Gosh. Kahit one item, hindi ko alam.

Ang top one disanvantage talaga sa pagiging absent ay maaaring magpa-quiz ang mga guro about sa diniscuss nila no'n araw na umabsent ka, kaya 'yong ibang estudyante ay napu-push na mag-cheat na lang sa klase. Pero ako si Jamilla at never pa akong nagdadaya, puwera na lang kung may mag-offer. Ba't ko tatanggihan?

Inihilamos ko sa mukha ko 'yong test paper. Sabi na nga ba, parent are always right. See? Dapat pala ay sinunod ko na lang si Mama na 'wag muna ulit akong pumasok ngayon dahil I'm sure maiintindahan naman ng mga guro kung bakit ako absent, at least hindi ako mapapahiya mamaya at maihahabol ko na lang itong quiz. But at the same time, gumaganti ang kapalaran sa akin dahil sa nagawa kong pagsisinungaling kahapon.

"You may start now. I'll give you 30 minutes to answer that. At pagkatapos niyong sagutan 'yan, we'll proceed to the next topic. Ako na ang bahalang mag-check niyan. And you, Daenice, hindi ka muna mag-te-take ng quiz, okay?" Tumango si Daenice bilang sagot. "Is everything clear, class?" Wala ng sumagot sa amin kasi halos lahat sila ay naka-focus sa pagbabasa sa mga tanong na hawak nilang test paper.

-

I bit my lower lip. 15 minutes na ang lumipas pero ni-isa ay wala pa rin akong maisagot. Habang umaandar ang oras, pakiramdam ko naiihi na ako sa kaba. I noticed all of my classmates is almost done with their quiz. Buti pa sila pa-cool na lang at nakasandal na lang sa mga upuan nila, samantalang ako, meron na napakalinis na papel dahil wala ni-isang sagot. Hays.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon