59. The Evidence

525 43 9
                                    

Chapter 59: The Evidence

Almost 2 hours akong naghintay sa labas ng Mansion nila Daenice, nakatulala at kung minsa'y hindi namamalayang tumutulo na ang aking mga luha. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, naisipan kong umuwi na lang ngunit natatakot akong baka mapahamak si Oliver sa loob. Kaya kahit matagal, nagtiis akong maghintay.

Bumukas ang gate kaya agad kong inayos ang sarili, bumungad sa akin si Daenice. Pula na ang hitsura nito na dulot ng kalasingan.

"Oh? And'yan ka pa rin pala," Hindi ako sumagot at hininintay lang kung anong sunod niya pang sasabihin. "Lunod na lunod na sa kalasingan ang Bebe mo, ayaw niya pang magpaawat sa gitna ng dance floor, tuloy lang sa pagsayaw at paglaklak. You wanna see him, right? Pinapayagan na kitang pumasok," Tuluyan niyang binuksan ang gate at inilahad pa ang palad na animo'y welcome ako rito.

Nag-aalinglangan pa ako kung tutuloy ba o hindi. "Pakipot pa?" Nagsimula na akong maglakad.

Pagkarating ko sa mismong party I almost caught the attention of the crowd, dahilan upang bumilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Halos lahat sa kanila ay kilala ako bilang girlfriend ni Oliver. Halo-halo ang nababasa kong expression mula sa kanilang mga mukha, may mga nagbubulungan at may nag-aalala ang tingin sa akin. Alam kong lahat sila ay alam ang issue tungkol sa amin ni Daenice.

Hindi ko pinansin ang mga tao, sa halip ay agad kong inilibot ang paningin para mahanap si Oliver, maglalakad na sana ako papuntang crowd para mapadali ang pghahanap ngunit nagulat ako nang magsalita si Daenice gamit ang microphone.

"Good afternoon, everyone!" Full energy niyang sabi. The party music sudden stopped to play. Tumingin sila sa direksyon ni Daenice; na katabi ko lang. "Since we are all enjoying my party, ayaw kong hindi ito magiging memorable sa inyong lahat. Actually, this moment whould be my best gift in to my life if I will succed on this, that any materials things can't even beat it. This is it!"

Halos lahat ng tao ay nagtataka kung anong sinasabi ni Daenice. Kahit ako, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ngunit siguradong may hinding magandang mangyayari.

"But before anything else, you guys, all knew that this girl besides me is Oliver's girlfriend, right?" Lahat ng tao ay tumingin sa akin bago ulit ideresto ang tingin kay Daenice, they litsen carefully on what she was talking to. "But let me clarify it, it was just a fake news, fake relationship, because Oliver is a fake and Jamilla is his victim."

Gulat akong tumingin sa kanya. Lahat ng tao ay nagsimula nang magbulungan. Samatalang ako, walang magawa kung hindi, tumayo at hintayin ang sunod nitong sasabihin. Hindi ko siya maintindihan.

Ngumisi muna ito sa akin bago magsalita muli. "You heard it right. She's a victim, laruan ni Oliver. In short, siya ay isa lamang pantapal sa sakit na iniwan ni Angel kay Oliver."

"Anong sinasabi mo? Hindi totoo iyan," Konti na lang sa salita niya, malapit na akong bumigay.

"Ay? Wala kang kaalam-alam sa nangyari? Let's say na laging sweet si Oliver sa iyo kapag kaharap mo ito, ngunit sa likod nito nandoon ang kasinungalingan niya. Inuuto ka lang niya sa mga simpleng bagay pero go na go ka naman. Huwag ka kasing masyadong magpakain sa mga mabubulaklak nitong pananalita, iyan tuloy mukha kang tang*!"

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas at naramdaman kong sinampal ko ang kanan pisgi niya. "Huwag na huwag mong pina-block mail si Oliver!"

Gumanti siya ng sampal sa mukha ko. "Punyeta ka! Ikaw na nga itong ginigising sa katotohan, ikaw pa itong may ganang manakit! You should thank me after all. Dahil kung hindi sa akin, patuloy ka lang niya sinasaktan patalikod!"

"How can you be so sure?!"

"Gosh! Gusto mo ng evidence? Kay Oliver ka maghanap!"

"Sabihin mong sinisiraan mo lang si Oliver. That's it! Desperada ka kasing magustuhan ka rin niya. Masyadong ka kasing insecure sa akin."

broken trustOnde histórias criam vida. Descubra agora