3. Smile

2.5K 350 141
                                    


Chapter 3: Smile

Monday na ngayon at ang ibig sabihin no'n ay first day of school na. Nakakatuwa lang isipin na ang aga kong gumising ngayon pero late pa rin akong nakarating ng school. Nice one, Jamilla.

Naghahanap na lang ako ngayon na puwedeng maparadahan ng bike. Bike lang naman kasi ang ginagamit ko tuwing pasukan. Nang makahanap na ako, agad kong ini-stand na iyon. I opened my bag to get out of my mirror, kailangan ko kasing siguraduhing presentable ang hitsura ko before akong pumasok sa loob ng school. Napasimangot na lamang ako nang hindi ko iyon mahanap. Gosh. Unti-unti na ako pinagpapawisan. Asa'n na ba kasi 'yong salamin ko? Ma-la-late ako nito, eh.

Wala akong choice kaya dismayado akong pumunta sa isang kotse na malapit sa akin para gawing salamin iyon. Tinted ang binta kaya naisipan kong doon na lang kaysa sa side mirror na nakasarado.

Maya-maya habang naglalagay ako ng pulbo sa mukha, napapitlag ako nang unti-unting bumukas sa akin 'yong bintana. I didn't expecting this, dahil sa pagmamadali ko, hindi ko manlang sinigurado kung may tao sa loob. Hindi ko ma-imagine kung anong reaction ng taong nasa loob habang pinapanood ako sa ginagawa ko.

That's not the only reason why I get shocked, dahil mas lalo akong nagulat kung sino 'yong taong nakikita ko ngayon... It was Oliver.

I blinked my eyes to confirm if I just hallucinated, pero totoong siya nga iyon. Natigilan ako at napako na tuluyan ang mga mata ko sa kanya, ganoon din siya sa akin. Hindi ako makagalaw dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Hey! Good morning," pagpapa-cute niyang bati sa akin sabay paulit-ulit na itinaas ang mga kilay niya at ngising nang-iinis. Natauhan ako at agad siyang sinamaan ng tingin. Ayaw kong mag-assume na naman siya na pinagnanasahan ko siya.

Nagsimula nang mag-over think ang utak ko. Ang daming tanong ang bumabalot dito tulad ng bakit na'ndito siya? Out of 7.6 Billion peoples all over the world, bakit siya pa 'yong nasa loob? Did I do something bad that's why the world punish me for this kind of freaking coincidential?

Kusang bumalik sa isipan ko 'yong kahihiyan na nangyari kahapon. Akala ko ay makakatakas na ako but I was wrong, nandito na siya sa harapan ko at papakuluin na naman yata ang dugo ko. Sabi na nga, ang lakas ng kutob kong may hindi magandang mangyayari. 

I was about to ran away from him but I sudden stop when I heard him calling my name. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ramdam kong lumabas na siya mula sa kotse niya dahil sa tunog ng pinto nito.

"Ayan ka na naman! Wala ka na bang ibang gagawin kundi, takasan ako?"

"Eh?" What should I supposed to response to him? Hanggang ngayon ay speechless pa rin ako sa mga nangyayari. Nanatili lang akong nakatalikod sa kanya at mariing kinakagat ang ibaba ng labi ko. Naalala ko kung gaano ako kabastos sa kanya kahapon.

"You have nothing to say?" tanong niya pa sa akin.

"M-Malalate na ako. S-sige na, aalis na ako!" Nagsimula na akong tumakbo pero natigilan ulit ako when he held my arm and forced me to turn around at him, closer to him. Bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa nagmamakaawa niyang mga mata na tila nanghihikayat na huwag ko siyang iwan. Gosh.

Ngumisi ito. "Samantalang noon, tadtad ang message mo sa akin para ma-replyan kita pero ngayon na nandito na ako sa harapan mo, parang wala ka nang pake sa akin. Hindi ka ba masaya kasi napansin ka na ng idol mo?" Padabog kong binawi ang braso ko at humakbang paatras sa kanya. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya pero tinaasan ko siya ng kaliwang kilay.

Ningitian ko siya nang nakakaloko. "Ang yabang mo talaga, 'no? Siguro kung hindi basura ang ugali mo, magiging masaya pa ako pero ubod ka kasi ng yabang. Kaya hindi ka karapat-dapat para i-idolize."

broken trustDonde viven las historias. Descúbrelo ahora