66. Wala Na Ba?

878 56 8
                                    

Chapter 66: Wala Na Ba?

After 3 days, successful ang mga plano namin. Nag-response na 'yong minessage ko at hindi naman ito mahirap pakiusapan na i-delete 'yong mga photos, bagkus ay humingi pa ito ng tawad. Tapos na rin 'yong pag-post ko sa facebook page namin about sa issue, mabuti na lang talaga ay may evidence kami para madali naming ma-convience 'yong nga tao. Sobrang galak at tuwa namin nang bumalik na muli 'yong mga customer sa shop namin.

Nandito ako sa bahay at naisipang linisin ang buong kuwarto ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng free time para gawin ito, hindi ko na rin kasi naaasikaso dahil busy na rin sa school before and for the shop now kaya sobrang kalat na rin.

Kasalukuyan kong tinatanggal lahat ng stuff ko sa loob ng kabinet ko. Na-curious ako when I saw a little box placed below inside the cabinet. Kinuha ko agad iyon at ipinatong sa ibabaw ng kama ko.

Sa sobrang tagal na nito doon ay hindi ko na matandaan kung anong laman nito. Maalikabok na 'yong ibabaw kaya pinunasan ko muna iyon bago buksan.

Nang tuluyan ko nang buksan iyon ay napangiti ako sa sarili at kusang natandaan na muli kung anong laman nito. Pinagsama-sama ko pala lahat ng stuff na natanggap ko mula kay Oliver noon dito sa loob ng kahon. Such as, diamond ring, diamond necklace, panyo na bigay ni lola sa akin (I know it was my personal stuff but there's a memory with him created here), 'yong mga panyo na natatanggap ko mula sa kanya dahil sa paglalagay niya rito ng sticky note, 'yong teddy bear na pinanalo niya sa perya and lastly, 'yong librong ibinigay niya sa akin.

Kinuha ko iyon at binasa ulit 'yong title. "Your Broken Trust."

I just smiled while opening each pages. Honestly, dati na binabasa ko 'to, sobrang sakit at ang hirap tanggapin. Naging totoo kasi si Oliver sa pagsulat nito, walang bahid ng kasinungalingan. Inamin niya ang lahat ng itinatago niya sa akin. Sinabi niya rito na ginamit lang niya talaga ako bilang panakip butas kay Angel, sinabi niya rin dito na sinusubukan niyang akong mahalin kahit mahirap, sinabi niya rin dito na pinagsisisihan niya ang mga kasinungalingan niyang sinabi sa akin, sinabi niya rin dito na hindi pa siya nakaka-move on kay Angel and lastly, this is hurts me the most, he is still in love with her. Pero kahit ganoon, sa epilogue ng kuwento ay humihingi siya ng tawad sa nagawa niya, tawad sa pagiging peke niya sa akin.

Tanda ko noon, halos ibato ko na 'yong libro dahil sa sakit ng mga nalalaman ko, ilang araw akong hindi nakausap ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. Hindi ko rin magawang pumasok sa school at piniling magkulong na lang sa loob ng kuwarto. Masakit kasi sa akin noon na 'yong unang taong minamahal ko ay paglalaruan lang ang tiwala ko.

Even I already knew his lie, I'm still here and waiting for him. Meron pang tanong na hindi ko pa nahahanap ang sagot sa libro, kung bakit niya nagawa akong panakip butas kay Angel? I know that those possible answer has a connection with other statement he has wrote, pero gusto ko 'yong sagot ay magmumula mismo sa bibig niya. 'Yon ang sagot na hinihintay ko.

Napangiti ako sa sarili nang basahin ko muli 'yong last part ng libro, kung saan niya inamin ang lahat. Napahawak ako sa dibdib dahil nagtataka ako kung bakit hindi ito kumikirot katulad dati. Siguro sa tagal na ng panahon na lumipas, nasanay na 'yong puso ko masaktan kapag binabasa ko itong libro o baka wala na akong nararamdaman sa kanya kaya normal na lang 'yon.

Ibinalik ko na muli 'yong mga stuff sa loob ng kahon at pumuntang storage room, doon ko itinambak iyon. Kailangan ko nang kalimutan 'yong sakit na ibinigay niya sa akin. Sana kapag tuluyang nakalimutan ko na iyon ay siya naman mismo 'yong makakalimutan ko. Gusto ko na rin naman pumasok sa isang relasyon, nais ko na ulit umibig muli at kay Prince ko nakikita iyon. Ang taong nagtiyaga at umunawa sa akin sa napakahabang panahon. 

-

The next day, nandito ako sa mall at gumagala, kasama ko ang bunso kong kapatid na si Jasmine, 16-year-old. Anak siya ni Papa sa bago nitong asawa.

broken trustDonde viven las historias. Descúbrelo ahora