46. Our First Gala

466 65 6
                                    


Chapter 46: Our First Gala

I woke up when I felt a lips, kissed the tip of my nose. Nagulat ako nang makitang si Oliver iyon. Agad kong itinalukbong ang kumot sa buong mukha ko, sa hiya na baka makita niya ang hitsura ko ngayong umaga. Gosh, bakit siya pinayagan ni Mama pumasok sa loob ng kuwarto ko? Nakakahiya.

"What's wrong?" He asked as forcing picking off the bedding covered up to my body and to my face as well, kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko rito. 

I bit my lower lip. "Ayaw kong makita mo ang hitsura ko."

I heard his smirked as he replied. "Eh, ano ngayon? Huwag ka nang mahiya, mahal pa rin kita kahit kanina ko pa nasisilayan iyang laway mo," Gosh. Ibig sabihin, kanina niya pa akong pinapanood matulog?

"Kanina ka pa ba na'ndito?"

"Siguro mga 20 minutes na rin."

"Seriously?"

"Cute mo kayang matulog, nakanganga habang may natulong laway, plus, 'yong napakalakas mong hilik," He chuckled. Sinabunutan ko ang sarili ko dahil sa inis at hiya. "Tanggalin mo na nga 'yan kumot sa sarili mo."

"No!" Pagpupumilit ko. "Sa susunod huwag kang bastang pasok sa kuwarto ko, okay?"

"Bakit naman?"

"I want to be fair, it was just like what you've always doing, whenever I visited your condo. Hindi ka rin pumayag na papasukin ako sa kuwarto mo. So, bawi-bawi lang tayo rito."

"Ah, okay." Kumunot ang noo ko dahil sa tipid niyang sagot.

"So, puwede na akong pumasok sa kuwarto mo?"

"Still no," Walang gana niyang sagot.

"Girlfriend mo naman ako, ah?"

"Sige na nga," Lumiwanag ang mukha ko sa sagot niya. Ang ganda naman ng bungad ng umaga ko.

"Totoo?"

"Biro lang." Napangiwi ako nang bawiin niya iyon.

"E di, mag-break na lang tayo," Walang pakungdangan kong sabi. Hindi ko ma-control ang boses ko, bigla na lang nitong sinabi iyon.

"What? Wala pa nga tayong 24 hours, break agad?! Are you kidding me?!"

"Siyempre, biro lang."

"Hindi nakakatuwang biro," Seryoso niyang sabi. I slowly put down the bedding until it goes by to the half of my face. Nakatingin lang siya sa akin nang deretso at walang halong emosyon ang mukha.

"Galit ka na niyan?"

"Hays, maligo ka na nga!" Nag-cross arm siya sa akin. "By the way, nakausap ko na mga magulang mo."

"What they has said?"

"Secret."

"Ang daya mo!" Kumuha ako ng isang unan at ibinato iyon sa kanya. "Lumabas ka na nga! Mag-aayos na ako ng sarili!"

"Okay," Lalabas na sana siya mula sa pinto ng kuwarto ko nang humarap ulit ito sa akin. "Bago ko makalimutan, magandang umaga nga pala sa aking mahal, minamahal at mamahalin habang buhay."

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya, ang chessy. Pakiramdam ko, nabubuhay ako sa mundong 1892 dahil sa pagtatagalog niya. Gosh. Pero kahit makata iyon, my heart starts beating so fast. Iba ka talaga magpakilig, Oliver.

"Magandang umaga rin."

He smiled until he finally got lost. Tinanggal ko na 'yong talukbong ko at bahagyang hinawakan 'yong tabi ng labi ko. May kaunting kayat nga ng laway rito. Kadiri. Nakakahiya kay Oliver.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon