58. Try Not To Believe

464 38 0
                                    

Chapter 58: Try Not To Believe

Ngayon na ang mismong araw kung kailan gaganapin ang pool party ni Daenice. Pero heto ako, hindi interesadong pumunta even in the first place, she didn't invite me at all. But there's a something in me na pakiramdam ko may hinding magandang mangyayari mamaya.

Akala ko no'ng mga araw na lumipas ay ayos na ang pakiramdam ko sa kanya ngunit nagbigay ito ng motibo sa social media. She had post a picture of her with caption, 'Wait what I will do later, pipols. Happy bithday to me and happy break up to you two later'.

Hindi ako mapakali kahit ituon ko man ang pansin sa pag-ba-bake. Pinilit ko pa si Rico na kung maaari ay pumunta siya sa party ni Daenice at magmasid, para lang mapanatag ang loob ko kung ano man ang mangyayari mamaya doon.

Mas lalo akong na-worry when I didn't receive any text or call from Oliver since morning until this afternoon. Miski bati ng 'good morning' ay wala. Pero kagabi naman ay ang bilis niyang mag-reply, bakit naging ganoon na lang bigla? Iniisip kong may ginagawa lang itong importanteng bagay ngunit mayroon pa rin sumasagi sa isipan ko na baka may ginawang hindi maganda sa kanya si Daenice. Gosh, why my mind didn't stop thinking negativity?

Hapon na at hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko dulot ng kaba. Pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kuwarto habang hawak-hawak ang phone ko. Hanggang hindi nag-re-reply si Oliver, hindi ako magiging ayos nito.

Sumapit na ang gabi at mabuti ka-text ko si Rico, nalaman kong 8 PM pa ang start ng party. Hindi pa ako kumakain ng hapunan dahil wala pa akong gana.

Nagsimula nang dumagsa sa newsfeed ko sa FB ang mg post ng mga estudyante, kanya-kanya silang post ng kanilang magagarbong mga suot. Sinubukan ko rin maghanap ng live stream and good thing, nakahanap ako. Hindi ganoon kalinaw pero ayos lang iyon.

Nang pumatak na ang 8 PM nagsimula nang magsalita ang emcee sa stage at introduce na rin si Daenice. She's wearing a short and sundress. All smiled itong nagsalita sa stage at nagbigay na ng hudyat para simulan na ang party.

Habang nanonood ako, medyo nababawasan na ang kaba ko. Lahat ng estudyante ay in-enjoy ang party, kahit si Daenice. Wala akong nakikita na may posibleng mangyayaring hindi maganda mamaya, miski sa galaw ni Daenice.

I got wrinkle on my forehead when I saw Oliver's face, dancing while holding a glass of red wine. Hindi ganoong kalinaw ang camera kaya hindi ko masayadong ma-confirm kung siya nga ba iyon. My heart skipped a beat, I immediately contact Rico if Oliver is there. Nakadalawang ring muna ito bago niya nasagot.

"Hello, Rico?" Rinig ang tunog mula sa kabilang linya, maingay ang paligid.

"Hello, Jamilla? Hindi kita marinig, bakit?"

"Text ko na lang ikaw," I endep up the call and immediately send him a message.

Jamilla:
Nakita mo ba si Oliver d'yan?

Time: 08:56 PM

Rico:
Wala naman, bakit?"

Time: 08:56 PM

Jamilla:
Are you sure? Can you please double check it again? Nanonood kasi ako ng live stream then I saw him right there.

Time: 08:57 PM

Rico:
Wala talaga, eh. Baka naman ay namalik-mata ka lang.

Time: 08:59 PM

Jamilla:
Siguro nga. Sana. Salamat.

broken trustUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum