20. Worst Day

923 143 38
                                    


Chapter 20: Worst Day

"Someone gave me these a lot of chocolate candies, so I decided na ibigay sa inyo 'yong iba. Ang dami kasi." I'm with my bestfriends here in cafeteria. Lunch na at himala hindi ko kasama si Oliver ngayon. Gosh! Sawang-sawa na 'ko sa pagmumukha niya.

Iniligay ko naman 'yong mga chocolate candies sa 'mesa at kinuha naman nila ito.

"Sino nagbigay?" Tanong sa akin ni Jess.

"I don't know." Sagot ko naman.

"Huh?"

"Hindi ko alam kung kanino galing ito, basta nakita ko na lang sa table ko kanina."

"Woah?.. So? It means, someone wants to become your secret admirer? Iba talaga ang ganda ng isang Jamilla." Tanong pa niya sa akin at bola habang kumakain ng chocolate na binigay ko. She already done with her lunch, ginawang dessert na lang 'yon. Sus, hindi naman ako gano'n kagandahan. Simple lang naman ako. Simpleng paglalagay lang ng make-up at simpleng pananamit. Ewan ko ba, kung bakit sila nagagandahan sa 'kin.

"Baliw." Hinampas ko siya sa braso niya nang mahina. "Pero yup, sabi niya sa akin magiging secret admirer ko raw siya."

"Oww.. e di nakausap mo na pala?" She asks me again. Ang dami naman tanong ng babaeng 'to.

"Oo, but in the different way, bigla siyang tumawag sa akin kanina, of course, nagtaka ako. I asked him how he got my number, sabi naman niya nakuha raw niya sa FB account ko. Gagawin ko na ngang private 'yon mamaya, baka may tumawag pa ulit."

"Oo nga. Baka ma-victim ka rin ng mga scammer." Pagsang-ayon niya sa 'kin.

"At alam mo ba? Nagulat nga 'ko kasi sabi niya sa akin ay magiging boyfriend ko raw siya. Like duh! Ang lakas ng loob." Saad ko sabay subo ng kanin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na unti-unti siyang ngumingiti nang malapad na may kasama sigurong kilig.

"Seriously? Omg. Mga lalaki nga naman." Hirit niya. "But it seems your life story will be like a novel with happy ending. Ang sweet niya sa 'yo, eh. Look, ang daming chocolates, at nag-effort pa siyang tawagan ka. Paano pa kaya kapag naging kayo na?" Kinikilig niyang saad. Agad-agad? Kaunting effort lang 'yon nagawa no'n tao ay magiging happy ending agad? Ang OA. T'saka hindi ko pa nga 'yon kilala. Baka trip lang niya akong paasahin dahil ayun 'yon pustahan ng barkada nila. Psh.

"Imposible, wala nang lalaki ngayon na hindi mangloloko, sa una ang effort at 'pag naging kayo na, mawawala na. Kaya nga, mas masaya pang nililigawan ka na lang. Kung maaari nga, 'wag nang sagutin eh, para lagi niya nai-ipakita 'yong effort niya at kung totoo bang gusto ka niya."

Tumingin siya sa akin na may kasamang gulat. Wala naman mali sa sinabi ko, I was just saying the truth.

"Grabe ka naman, how you so sure about that?" Nakataas niyang kilay na tanong sa akin.

"Kasi alam ko na. Tingnan mo si Papa, akala ko masaya kami, akala ko perfect 'yon family namin, akala ko hindi niya kami iiwan. But then, where he was now? Sa bagong niyang pamilya na matagal na niyang tinago sa 'min. How cheater he is." Sumubo ulit ako ng kanin. Sa totoo lang, I don't even feel pain, siguro inis, galit, yamot at poot 'yon laman ng puso ko para sa kanya at mga katanungan na hindi ko mahanap kung na saan 'yong tunay na sagot. It's been 4 years since he left us without saying goodbye. Fresh pa rin sa isipan ko kung gaano nasaktan si Mama. But nevermind. Huwag nang balikan ang mga masasakit na ala-ala kasi wala naman mapapala.

"I understand you Jamilla, I'm sure hindi ka matutulad sa mama mo dahil alam kong matapang ka, at alam kong may natutunan ka sa mga nangyari sa mama mo." Naramdaman kong inakbayan niya ako. Sana totoo 'yan sinasabi mo Jess, kasi wala pa akong kilalang lalaking hindi nagloko. Sinuklian ko naman siya ng ngiti at gano'n din naman siya sa akin.

broken trustWhere stories live. Discover now