35. My Second Visit

556 85 19
                                    


Chapter 35: My Second Visit

Hapon na ng martes ngayon at kasalukuyan na akong nag-aayos ng gamit para makauwi na agad. Hays, nakakapagod, nagsisimula nang tumambak lahat ng gawain sa school at dahil diyan, nagsisimula na rin akong maging busy. Gosh.

"Ihahatid mo ba ako?" Tanong ko kay Oliver. Kahit alam kong ihahatid naman niya talaga ako ay nagtanong pa rin ako.

"Ayaw mo?"

"Of course," Kinuha ko na 'yong bag ko at isinuot na ito. Kami na lang dalawa ni Oliver naiwan ngayon sa loob ng room.

"Tsk." Ngisi niya. "Hindi kita ihahatid dahil ako ang ihahatid mo."

"Huh?" Agad akong napatingin sa kanya.

"Like what I've promised yesterday, I will let you to come with me at my place today," Sagot niya.

Lumiwanag bigla ang mukha ko dahil napuno na ulit ito ng excitement. Dahil sa tambak ng gawain ko ngayon araw ay nakalimutan ko na 'yong sinabi niya sa akin kahapon. Gosh.

"Gosh, I forgot it. Ano pang hinihintay mo? Tara na!"

Gulat siyang napatingin sa akin nang hilain ko ang kamay niya palabas ng room namin, hinayaan niya na lang ako at tuluyan nang nagpatangay. Second time ko na yata ito ginawa sa kanya tuwing na-e-excite ako, hinihila ko 'yong kamay niya.

Mabuti't wala nang masyadong estudyante ngayon kung kaya't wala nang nakakapansin sa amin. Makakahinga na ako nang maluwag dahil alam kong hindi ito magkakaroon ng issue.

Nang pagkarating namin sa parking area ay agad kong hinanap 'yong kotse niya, halos inikot na namin ito ngunit napasimangot na lamang ako nang hindi ko pa rin iyon makita kahit iyong driver niya.

"Are you looking for my car?" He asked.

"Yes, where it is?"

"Wala na."

"What?"

"Ibinenta ko na," Mas lalo akong nagulat kaya tumingin ako sa kanya nang deresto.

"Bakit? Sayang naman."

"Dahil bumili ako ng bagong bike at ipinaayos ko rin 'yong sa iyo, 'di ba?" My forehead got pucker after he said that. Hindi ako makapaniwalang ibinenta niya 'yong kotse niya para lang sa bagong bike at para lang sa ikaaayos ng bike ko. Gosh. He really did it? Sa katunayan nga, mas helpful ang kotse kaysa sa bike. It's too hasle than to car.

"Doon mo kinuha 'yong pera mo para ipambayad? Nahihibang ka ba? Sobrang sayang talaga, Oliver."

"Yep." Sagot niya. "And at the same time, for this one," Hinakawan niya 'yong suot niyang kuwintas. Tanda ko, 6 digits daw ang inabot na halaga nito at tanda ko rin na ibinigay niya sa taong bumubuhay ulit ng kasiyahan niya 'yong kapareha nitong kuwintas. Asaan na kaya iyon? Hindi ko pa rin kasi kilala kung sino iyon, eh.

"Ahh. 'Di ba sabi mo, dalawa iyan? Kumusta na iyon isa? Lagi bang isinusuot no'ng taong bumubuhay ng kasiyahan mo?"

"Nice, Tanda mo pa rin kung ano 'yong sinabi ko noon," Matawa-tawa niyang sabi. "But I don't know."

"Hindi mo nakikitang suot?"

"Hindi, hindi niya pa nga yata alam na ibininigay ko na sa kanya, eh.

"Nyek, ano raw iyon? Ang gulo mo."

"Basta, malalaman mo rin someday. Tara na."

Nabigla ako nang agad niyang hinila 'yong kamay ko. Nakalimutan kong hawak-hawak ko pa rin pala iyon at sa ngayon ay siya naman ang may hawak na sa kamay ko.

broken trustWhere stories live. Discover now