15. Chocolate

1.1K 162 46
                                    


Chapter 15: Chocolate

"Woah! Ang ganda!" Mangha kong saad habang nakasilip sa balkonahe ni Oliver dito sa Condo niya. Kakarating pa lang namin dito.

This is so perfect view I've ever seen although nakapunta na rin ako sa mga balkonahe ng mga hotels but not like this, napakaganda talaga. 'Yong tipong parang kitang-kita mo na ang buong Maynila kahit hindi. Actually nasa 20th floor kami ni Oliver kaya ang ganda talaga ng view. Kaso ang problema nga lang dito, nakakalula lalo na't ang lakas pa ng hangin, baka mamaya matangay pa 'ko dito, ang payat-payat ko kaya.

"Oliver!" Pumasok muli ako sa loob ng condo niya para hanapin siya, hindi naman ako gano'n nahirapan kasi nakita ko agad siya sa may kusina habang may kinukuha sa fridge.

"Bakit?" Tanong niya sa akin sabay lingon sa gawi ko.

"Can I have a favor?" Mahiya-hiya kong tanong. Duh! Nakakahiya kaya 'yong favor ko. Sana pumayag siya.

"Ano 'yon?" Sinarado muna niya ang fridge at saka lumapit sa akin.

"Hmm.. Pwedeng picturan mo ako sa balkonahe mo? You know? Pang-instagram lang? Pwede?" Ngumisi lang siya at biglang kinuha ang phone ko sa kamay ko. Jusko. Nagulat ako sa ginawa niya, akala ko mahuhulog na 'yong phone ko.

"Jusko naman Oliver, dahan-dahan!" Hindi niya ako pinansin at nagsimula nang mglakad papalayo sa akin papunta sa balkonahe. Wait? Have he said 'Yes'? Or I didn't just hear that he agreed? "Oliver pumayag ka ba na picturan mo 'ko?" Lumingon ulit siya sa akin at tinitigan ako nang deretso sa aking mga mata. Gosh! Ang gwapo.

"Why are you staring at me like that?" Masama ba 'yong tanong ko para tumitig siya akin nang ganiyan? Gusto ko lang naman i-klaro eh. 'Yong titig niya parang kakainin na niya ako anytime.

"Napakaslow mo talaga. Kukunin ko pa naman ito kung hindi 'di ba?" Matawa-tawa niyang saad. As of now, Jamilla's cells has been surrendered to find her brain. I hope once in a blue moon mawala na 'tong pagiging slow ko. Aba'y nakakasawa na rin. Nakakababa ng self-confident. Wala naman ako mararating dito sa pagiging slow ko, Lord please remove this from me.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil sa kahihiyan ko. Diniretso ko lang ang paglalakad ko papunta sa balkonahe niya.

"Game! Oliver, picturan mo na ako." Sabi ko sa kanya at napansin kong bigla siyang umiling-iling at napapatawa. Minsan may pagkabaliw rin 'tong mokong na 'to, e. Wala naman nakakatuwa, tumatawa.

Nagsimula na ako mag-pose nang kung ano-ano. Actually, hindi ako comfortable sa mga pose na ginagawa ko. I'm ashamed with him. Biruin niyo isang sikat na author pinipicturan ako? For sure, kung sa ibang babae ito, this is would be their greatest day. As in greatest. Tapos kilig-kilig pa sila. Lol. Pasalamat ka Oliver, hindi ako gano'n.

"Patingin nga, baka pangit." Lumapit ako sa kanya para tingnan ang mga pictures ko. Kaso pagkatingin ko, ang pa-pangit nga. Ang ganda-ganda no'n background at ang ganda rin no'n babaeng nakatayo. Tapos blurd 'yon kuha niya. Gosh. Daig pa 'ata siya ng bata, eh.

"Blurd naman, eh. Ayusin mo naman!" Lumapit ulit ako sa balkonahe niya at tumalikod, nag-pose ulit ako na kunwari ay may tinatanaw raw ako sa malayo, stolen-shot ang peg ko. Ganern.

Lumingon na muli ako sa kanya para tingnan sana 'yong mga pictures ko. Umaasa na hindi na blurd na katulad kanina at inayos na niya ang pagkakapicture. Kaso pagkalingon ko ay wala na si Oliver, nakita ko na lang na nasa lapag na lang 'yon phone ko. Argh! Nakakainis ka talaga Oliver. Todo pose ako roon tapos tinakasan mo na pala ako.

Pinulot ko 'yong phone ko at hinanap siya. Bakit hindi ko manlang naramdaman na umalis na pala siya?

"Oliver! Nasan ka?! Nakakainis ka!" Nilibot ko 'yong buong condo niya, nahanap ko naman siya sa may sofa ng sala, nakita ko siyang tawang-tawa. Parang halos hindi na siya makahinga sa kakatawa. Pero gosh, ang gwapo. Jamilla you should to act that you mad at him. Don't be attracted!

broken trustWo Geschichten leben. Entdecke jetzt