60. Don't Trust Too Much

576 48 1
                                    

Chapter 60: Don't Trust Too Much

Iniyakap ko sa kanya 'yong jacket na suot-suot ko bago ako umalis ng condo niya. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko kaya mas mabuting iwasan na lang ang nakita kahit nakabaon na ito sa utak ko.

Habang naglalakad ako palabas, may mga taong tumitingin sa akin, pansin ang pamumula ng mga mata ko at ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko. Tinatakpan ko na lang, gamit ang mga kamay.

Bumabalik sa isipan ko ang masasayang ala-ala namin ni Oliver, kung paano niya ako ningitian, kung paano niya ako niyakap, kung paano siya umamin ng nararamdaman niya para sa akin at kung paano niya ako halikan. Ako naman itong si tang*, nagpaloko, nagpabilog at nagpalinglang dahil hindi pa nalilinawan na iyon ay kasinungalingan lamang.

Ang malas lang dahil pagkalabas ko, there's no taxi passing by, naghintay pa ako ngunit wala talaga. Punyeta, tagong-tago na itong pag-iyak na ginagawa ko ngunit napupukaw ko pa rin ang mga mata ng dumaraan. Umupo na lang ako sa waiting shed at yumuko.

After a minutes, I felt a stranger gently tapped my shoulder, agad akong tumingin sa taong iyon para malaman kung sino siya.

Nang makita ko siya, I immediately hugged him tightly. Nagulat siya sa ginawa ko at ramdam kong nagdadalawang-isip pa siya kung yayakap din siya nang pabalik. Ibinuhos ko ang mga luha ko sa kanya.

Ilan minuto kaming magkayakap hanggang humiwalay na siya at inilagay ang kamay sa magkabila kong pisngi. He gently wiped my tears by his finger, even it's still flowing.

"Don't cry, please. Nasasaktan ako." Kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ganito ba 'yong pakiramdam kapag natalo ka sa isang sugal? Masakit? I just gambled my trust for him even I don't believe in promises at all. But what he was did? He played it." Mas lalong bumuhos ang mga luha ko, niyakap niya ulit ako para pakalmahin ang sarili ko.

"Shh..."

From this night, Oliver has reminds me why I'm afraid to trust someone's promises to me. Bakit naloko na naman ako ng pangako? Bakit kasi ang bilis ko magtiwala? Bakit kasi buo ako magtiwala?

-

Sabay kami ni Prince umuwi ng mga bahay namin. Nang nasa tapat na ako ng bahay ko, there's an awkwardness got stuck between us. Hinubad ko 'yong jacket na pinahiram niya sa akin at ibinigay agad iyon sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sapagkat kinain na ng luha ko ang boses ko kakaiyak.

"Jamilla?.."

A widened but audible 'why' escaped from my lips.

"Huwag ka nang iiyak."

Kahit hindi ko pa masyadong kayang magsalita, sinagot ko siya. "I'll try." Then, I smiled.

"Jamilla, one more thing."

"Ano iyon?"

"Hindi ko kayang panindigan na lumayo sa iyo lalo na ngayon. Masaya ako kapag masaya ka, nasasaktan ko kapag nasasaktan ka. Papasayahin kita, huwag kang mag-alala."

"Thank you." Nagsimula na akong maglakad papasok sa loob ng gate. Muntik ko nang makalimutan na magpasalamat sa kanya dahil para naman ngayon gabi. He was about to walk towards to his house when I called his name. "Prince.."

Agad itong lumingon. "Bakit?"

"Thank you for being with me tonight. Thank you for making me feel better, kahit hindi pa ako ganoon kaayos pero salamat pa rin."

-

Nagising ako nang may maramdam may pabalik-balik sa paglalakad mula sa labas ng kuwarto ko at ang ingay na sigaw ni Kuya kay Mama. Kahit hindi pa ako okay ay pinilit kong lumabas sa kuwarto upang malaman kung anong nangyayari.

broken trustWhere stories live. Discover now