8. Jacket

1.5K 257 18
                                    


Chapter 8: Jacket

"Alis na tayo," yaya ni Oliver sa akin at bigla siyang tumayo, inayos ang sarili. Nawindang ako dahil hindi pa ako tapos kumain ng fries.

"Hindi pa ako tapos kumain."

"Dalian mo, baka hinahanap ka na ng mga kaibigan mo sa school." Napatango ako dahil sa sinabi niya. Naalala kong nandoon pa pala 'yong bisikleta ko, baka magtaka sila kung bakit nandoon pa iyon pero hindi nila ako mahanap sa school, if ever na mapansin nila iyong bisikleta ko nga doon. I check out my phone if I reveice a message coming from them pero wala.

I decided to take the fries and put it on my bag. Mamaya ko na lang ipagpapatuloy ang pagkain nito kapag nasa bahay na ako. Mas gaganahan akong magbasa ng libro, kapag may kinakain ako.

"Saglit lang, C.R. lang muna ako," paalam ko. Tumango lang siya bilang tugon.

Pagkalabas ko ng C.R. napakunot ako ng noo when I notice all attention of the customers was focused on me. Mahiya-hiya akong binilisan ang paglalakad patungo sa table namin.

"Wear this," utos ni Oliver sa 'kin habang inaabot niya 'yong hawak niyang jacket. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong isuot iyon but I still have it.

"Bakit?" tanong ko.

"Basta, isuot mo na lang." Hindi ko na siya kinulit pa at isinuot na iyon. Naalala ko kasi 'yong rule no. 1 niya na bawal magreklamo sa utos niya, 'yoko nga magbayad dahil lang dito, sayang din 'yong pera ko. Nakakainis. Ang init-init ng sinag ng araw sa labas, then ipapasuot niya pa sa akin ito.

"Stupid, sa bewang mo isuot iyan." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Close tayo para murahin mo ako? Bakit ko ba kasi kailangan isuot pa 'to?"

"Hindi ka kagandahan para magreklamo. Kung anong gusto kong gawin mo, gawin mo. Sisingilin na kita kapag nagreklamo ka pa," inis niyang sabi.

Inirapan ko muna siya bago isakbit sa bewang ko 'yong jacket. Pero bago ako matapos ay nakita kong nagsimula na agad siyang maglakad palabas. Napaismid na lang ako dahil sa inis. Hindi manlang ako hinintay. Mapapasabi na lang talaga ako ng napaka-ungentlemen niya.

-

Dito niya 'ko ibinaba sa school dahil kailangan ko rin kunin 'yong bike ko para i-uwi.

When I got out from his car, I slammed the door shut. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon para magpasalamat pa sa kanya dahil sa libre niya. Nagmadali na agad akong maglakad palayo.

"Bye!" rinig kong sigaw niya mula sa loob ng kotse niya. Lumingon ako at nakita ko siyang nakasilip sa side window. Kita ko rin kung pa'no siya kumaway at ngumiti. Ngumiti rin ako sa kanya nang pilit dahil naalala ko kasama iyon sa rules pero agad ko rin iniwas ang tingin ko. Kakaiba 'yong ngiti na ibinigay niya.

Tumalikod na ako, at bahagya akong napasampal sa pisngi ko nang maramdaman kong medyo uminit ito. Rinig kong tuluyan nang nakaalis 'yong kotse niya kaya naglakad na ulit ako.

-

"Boo!" Napatalon ako sa gulat dahil biglang sumulpot si Aivin sa may likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Hobby na ba niya bang gulatin ako? "Hi!"

Tinaasan ko siya ng kilay, bakit ang energetic niya? At bakit ganyan siya umakto? Akala niya, wala siyang atraso sa akin.

"Ano iyon?" iritado kong tanong ngunit hindi niya ito pinansin.

"Kaninong kotse ka bumaba?" Naalarma ako at nag-isip agad ng solusyon.

"Ano.. Sa mga kaibigan ko. Kay Claire iyon pero kasama namin si Jess. I know that you know them since they are your classmates."

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon