4. Tigre

2K 340 71
                                    


Chapter 4: Tigre

Hindi ko maintindihan ang sarili. Bakit ako masyadong tinamaan sa ngiti niya kanina? Halos parang nakalimutan ko na 'yong sasabihin ko sa unahan dahil sa pagbasag ng ngiti niya. Hays. Bakit ang guwapo niya 'pag nakangiti? Bakit ang bilis kong ma-distract doon?

Kasalukuyan nag-didiscuss na si Mrs. Melina ngayon about our schedule. Wala na nga akong maintindihan kasi gumugulo pa rin sa utak ko 'yong ngiti ni Oliver. Tila parang nakaukit na ito sa isipan ko.

"Psst, Tigre!" rinig kong tawag niya sa akin ngunit wala akong balak na pansinin siya. "Jamilla!" He nudged me. Feeling close.

"Uy!" pangungulit niya pa rin sa akin. Gosh. He doesn't even thinks that I don't want to talk with him? Why can he just leave my soul alone?

I still ignored him and pretending that I was concentrated to our teacher. "Beautiful, Jamilla." Agad akong lumingon sa kanya nang sabihin niya iyan.

"What?!" inis kong tanong sa kanya.

"Sabi na, eh. Haharap ka rin kapag binanggit ko 'yong magic words." I rolled my eyes at him. "Are you free later? Mamayang break time?"

"Why?"

"Puwede ka ba mamaya?"

"Huh? Saan? 'Pag 'yan bastos, malilintikan ka sa akin."

Ngumisi ito. "What do you think of me? Sabay sana tayo magbreak time mamaya?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Bakit kasi masyadong green minded itong isip ko?

"Ano, eh... kasama ko mga kaibigan ko mamaya."

"Okay, sige. Next time na lang, tigre." tugon niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng ganoon, kanina ko pa napapansin iyon, ah. "Hindi ako hayop kaya please stop calling me that."

"Hindi ka nga hayop pero mukha kang hayop." Napanganga ako dulot ng gulat. Sinamaan ko siya ng tingin pero kinindatan niya lang ako.

Namumuro na itong Mokong na ito, ah. Sobra-sobra na 'yong panglalait niya sa akin. Wala ba talaga siyang respeto sa babae?

"Salamat sa pagtawag sa akin ng mukhang hayop," sabi ko at itinuon na muli ang atensiyon ko kay Mrs. Melina. Ayaw ko nang makipagtalo sa isang taong matalib ang dila.

"You're welcome." Mas uminit ang ulo ko nang sabihin niya iyon. "By the way, na-accept ko na friend request mo sa akin sa FB." Ipinakita niya sa akin 'yong phone niya sa harap ng mukha ko para makasiguradong makikita ko talaga iyon. Naka-flash dito ang FB account ko.

Mabuti't hindi kami nakikita ni ma'am, dahil siguradong sermon ang abot ji Oliver dito kapag nahuli siyang may hawak na phone.

"Wala akong pake."

"Wala raw pake pero when I read your messages, tadtad ng sabing,'Kuya, pa-accept po, please? Idol po kita.'" He emphasized the word 'please', and it made me feel irritated. Punyeta, inaasar niya talaga ako. Patago kong kinurot ang tagiliran niya. Sising-sisi na ako kung bakit inidolo ko pa siya, lumalaki ang ulo. "Aray!" Napatingin sa kanya si ma'am, at tumaas ang kaliwang kilay nito.

"Why, Mr. Lee?"

"Naipit po 'yong pisngi ng puwet ko." Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa sagot niya. Ngunit sinuway rin sila ni ma'am para tumigil.

"Ang sakit ng kurot mo pero masarap," sabi nito sa akin.

"Whatever." 

-

Tumunog na ang bell kaya binitbit ko na agad ang bag ko at tumakbo agad. Baka naghihintay na si Aivin sa akin sa Cafeteria. Excited na akong makausap siya at makipagkuwentuhan.

Dismayado akong nakarating ng Cafeteria dahil hindi ko siya mahanap kahit saan doon. Nilibot ko pa ulit ito, umaasa na nandito talaga siya pero wala.

Umupo muna ako sa isang upuan at kinuha ang phone ko para sana tawagan siya pero pagkabukas ko, may message na pumukaw sa akin.

Binasa ko agad ang text na natanggap ko.

Aivin:
Jamilla! Hindi muna tayo magkakapagsabay sa breaktime, meron akong mahalagang gagawin mamaya sa room namin, hindi pa ako tapos, eh. Mamayang lunch na lang tayo magkita. Sorry.

Time: 7:56 Am

Napahalukipkip ako dahil sa nabasa ko. Bakit ngayon ko lang nabasa 'tong text niya? Sayang tuloy 'yong pagod ko sa paghahanap sa kanya dito sa loob. Nag-reply na lang ako ng simpleng 'okay' pero nag-sorry lang din ulit siya.

Nag-text ako sa mga kaibigan ko kung free sila for this break time ngunit katulad ng rason ni Aivin, busy rin sila. Sabagay, magkakaklase kasi silang tatlo. No choice ako kundi, kumain mag-isa.

Pumasok na muli ako sa loob ng Cafeteria para um-order na. Kinuha ko muna 'yong wallet ko sa loob ng bulsa ko ngunit napangiwi na lamang ako nang makitang 40 pesos na lang ang laman nito. Napakagat ako ng labi dahil sa inis. Ito pa 'yong perang natira kahapon ng pagpunta naming Mall. Anong mabibili ko sa halagang 40 pesos? e, halos ang mamahal ng tinda rito.

Puro malas na lang ba ang araw na ito?

Pumunta na ako sa counter at bumili ng isang order ng siomai, kadalasan kasi ay mga 3 orders ang binibili ko, but in my current situation right now, it's only 1 order I can afford to buy.

-

Nakasimangot lamang ako habang nakatitig sa isang order na siomai na nasa lamesa ko. Hindi ko pa ito ginagalaw. Kulang pa ito oara sa akin, hanggang esophagus lang ang abot nito.

"Miss?" gulat akong marinig ang tawag sa akin ng isang waitress. Humarap ako sa kanya. "May napapabigay po nitong siomai, 3 orders po ito," sabi niya habang nakangiti sa akin. Muling nabuhayan ang dugo ko dahil sa sabi niya.

"Sure ka ate na sa 'kin 'yan? Baka sa iba 'yan? Magkamali ka pa," sabi ko. Gusto ko munang i-klaro before kong tanggapin iyon. Baka mamaya, todo lamon na ako no'n tapos hindi naman pala para sa akin iyon.

"Sa inyo po talaga 'to, hindi po ako nagkakamali. Sabi po no'ng nagpapabigay, Jamilla raw po at itinuro po kayo."

Dahan-dahan niyang inilapag sa lamesa ko 'yong siomai. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa hindi inaasahan na pagkakataon na ito. First time lang na may nagbigay sa akin ng libre, katulad nito. Lalo na't this is came from with a stranger.

"Sino po nagpapabigay?" tanong ko sa kanya. I need to thank him/her because he/she makes me happy today even somehow.

"Hindi ko kilala, eh. Pero lalaki," sagot niya. "Sige na, may gagawin pa ako." Tuluyan na itong umalis.

Natigilan ako sa naiisip ko pero umiling din agad ako at mariing napahilamos ng mukha gamit ang mga palad ko. Imposibleng si Oliver iyong nagbigay nito sa akin dahil napakagaspang ng ugali no'n para gawin ito. 'De bale na, whoever gave me this three order of siomai, he didn't fail to makes me smile even somehow. Although, wala manlang drinks na kasama. 

_________

Basahin niyo po ang istorya ni SolitaireMoxie maganda ang 'Detained' story niya. Anyways, Don't forget to vote and comment.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon