37. Confession

536 73 36
                                    


Chapter 37: Confession

Pinilit kong palakasin ang loob ko bago ko siyang itulak nang bahagya para mailayo ko ang labi niya sa labi ko. Isang malakas na sampal ang lumapat sa pisngi niya mula sa kanan kamay ko. Even I don't want him to get hurt but this thing that he did is very nasty, that's why I have to defend myself tho. 
 
"Bastos ka!" Galit kong sigaw sa kanya. Pinandilatan ko pa siya ng mga mata bago umalis sa harapan niya. I quickly walked and grabbed my bag from the top of the couch, bago ako magtungo sa main door.

Pipihitin ko na sana 'yong doorknob para makalabas na agad ngunit ramdam kong hinila niya 'yong kamay ko so it made me to stop and forced me to turned around at him.

"Ano?!"

"Look, I'm sorry. Nadala lang ako ng—" Huminto siya dahil bigla akong sumabat. Hindi ko inaasahan 'yong sinabi ko at alam kong hindi niya rin iyon inaasahan.

"Ng libog?!"

"Huh? W-what?" Gulat niyang tanong. "Of course, not. May respeto naman ako sa iyo."

"So, are you trying to say na 'yong paghalik na ginawa mo sa akin kanina is still consider as your respect? Woah. You're unbelievable!" Inirapan ko siya at padabog binawi ang kamay ko na hawak niya.

"Hindi sa ganoon."

"Eh, ano?"

"Kasi..."

"Kasi?"

"Ano.. Kasi.. How could I start this? Peste. You can do it, Oliver." Pag-cheer niya sa sarili niya. Weirdo. Ano bang isasagot niya? Kinakabahan naman ako.

"Kung ayaw mong sabihin, uuwi na—"

"Gusto kita."

Napuno ng gulat ang buong katawan ko. Deresto lang ako nakatingin sa kanya at ganoon din siya sa akin. My heartbeat accelerated. Tatlong salita pero nagkakagulo na agad ang sistema ng katawan ko.

I bit my lower lip. I don't know how I will react on what he has just said. Totoo ba iyon? Gusto niya ako? Gosh. Pero paano? Ang layo ng ugali ko kay Angel para magustuhan niya ako.

"Nababaliw ka na yata. Una na ako," Maglalakad na sana ulit ako kaso kinuha niya na naman 'yong kamay ko para piliting iharap sa kanya.

"Oo, nababaliw na nga siguro ako. At dahil 'yon sa 'yo. Gusto kita at totoo iyon, genuine, true, real, pure, veritable, concrete, virtual or anything that can affirm on what I am saying. Basta, gusto kita. Gustong-gusto kita, Jamilla."

Tinitigan ko ang mga mata niya at sinuri ito nang mabuti. Kita rito kung paano siya nagsasabi ng totoo pero ayaw ko itong paniwalaan dahil ayaw kong malinlang sa mga mata niyang iyan. Baka sa huli, talo rin ako.

Binabalot ngayon ang isipan ko ng mga tanong, tulad ng bakit ako ang nagustuhan niya? Bakit ang bilis naman yata? Bakit ang aga niya magtapat? Anong nagustuhan niya sa akin? Nagbibiro lang ba siya? Madali lang kasi sabihing totoo 'yong sinasabi niya pero malay ko ba na biro lang pala ito. Kaso pinatunayan niya na sa simpleng paghalik na ginawa niya sa akin kanina.

"Bakit ako?"

"I don't know."

"Based on what I've read on your story, ibang-iba ako kay Angel. Mahinhin siya, hindi mareklamo, masayang kasama, hindi mabilis magalit. Pero bakit itong ugali ko ang nagu—"

"Stop!" Nagulat ako nang sigawan niya ako. "Please, stop comparing yourself to her. Mga mga bagay na gusto ko sa kanya at may mga bagay na nagustuhan ko sa iyo. Kaya please lang, magkaiba kayo, magkaiba ang nagustuhan ko sa inyo. Tapos na ng istorya namin ni Angel at nais kong magsimula kasama ka."

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon