44. Acquaintance Party

515 63 10
                                    


Chapter 44: Acquaintance Party

Ngayon araw na gaganapin ang Acquaintance Party. Actually, I woke up at exact 6 AM even the program will start at the afternoon. Alam ko naman kung bakit maaga akong nagising it was because I am super excited to see Oliver later. 5 PM ang start ng program pero kailangang 4-5 ay nasa school na. Sa field ng campus gaganapin iyon.

1 PM na at kasalukuyan na akong inaayusan ni Mama. Sa kanya ako nagpapa-make up at nagpapaayos ng buhok kaysa naman umalkila pa ako ng make-up artist, ayaw ko naman gumastos pa.

"Susunduin ka ba ni Oliver?" Tanong ni Mama habang kinukulutan ang buhok ko gamit ang curling iron. Nag-request ako sa kanya kung puwede niyang kulutan 'yong laylayan lang ng buhok ko pero 'yong sa ibabaw ay walang gagawin.

"Hindi raw po."

"Nagparamdam na ba siya sa 'yo kanina?" Sunod niya pang tanong. Ikinuwento ko na kasi sa kanya 'yong tungkol sa pagiging multo ni Oliver kagabi.

"Not yet. Tanging last message niya pa lang po sa akin 'yong kagabi," Malungkot kong sagot.

"Aw.. Don't be sad my baby girl. Makikita mo rin naman siya mamaya katulad ng ikinuwento mo sa akin. Just enjoy the party and wait for what will happen next," I smiled at her warmly.

Nag-i-imagine rin ako kanina kung anong klaseng sorpresa ang gagawin ni Oliver. 'Yong mala-wattpad ba? 'Yong tipong kami 'yong magiging center of attraction ng mga tao. Or baka naman ay 'yong kakanta siya sa stage at unti-unting lalapit sa akin. Gosh. P'wede na bang pabilisin 'yong oras at tumungo na ako agad sa sorpresang iyon?

Nang pagkatapos akong ayusan ni Mama ng buhok ay nilagyan niya ito ng flower crown. Tiningnan ko muli ang sarili ko sa salamin, sobrang simple lang ng make up ko that which is I liked. Gusto kong maging presentable kapag kaharap ko na si Oliver mamaya.

"Anak, suotin mo na 'yong dress mo. You will more beautiful if you wear it," Sinunod ko ang utos niya dahil pumasok na agad ako sa banyo para suotin 'yong dress na binili ko kahapon. This is a pink dress and floral print with fabric of chiffon material. Maliit lang 'yong sleeves nito at saktong-sakto para sa akin.

Pagkatapos kong suotin iyon ay lumabas na agad ako sa banyo at ipinakita ito kay Mama. Malaki ang ngiti niya at tila'y gandang-ganda siya sa akin.

"You're super beautiful, anak. Ang suwerte ni Oliver sa iyo," Puri niya sa akin. Nakaramdam ako ng pag-init ng pisngi when she mentioned the name of Oliver. Nahiya ako masyado kay Mama.

"Ako rin po, masuwerte sa kanya."

"Hay nako. Haha. Halika, lapit ka nga sa akin," Humakbang ako patungo sa kanya habang deretso lang tingin. She held my hand and I feel she's feeling something emotionally. I don't know why. "Anak, kung ano man ang mangyayari mamaya. Just enjoy the party, huwag masyadong mag-expect ng mga bagay-bagay na gusto mong mangyari. Natatakot akong baka masaktan ka," Nagtaka ako nang sabihin niya iyon. Hindi magagawa ni Oliver na saktan ako o paasahin, basta makita ko lang siya, okay na ako. Swear. Hindi na ako magtataka kung saan ako nagmana ng pagiging over thinker ko.

"Mama naman. Huwag OA. I can handle myself, 'Ma. Kung hindi man ma-reach ni Oliver 'yong expectation ko, okay lang po iyon basta makita ko lang siya mamayang gabi, buo na ang araw ko."

"Paano kapag hindi siya nagpakita?" Natigilan ako nang tanungin niya ako ng ganoon.

"Uhmm..." I bit my lower lip. Napatanong din ako sa sarili ko kung paano nga kapag hindi siya nagpakita? Gosh. "Imposible po iyong sinasabi mo."

"O s'ya. Maghihintay lang ako ng taxie sa labas para masakyan mo mamaya. Tatawagan na lang kita rito kapag meron na. Ayusin mo pa iyan sarili mo."

broken trustWhere stories live. Discover now