5. Handkerchief

1.9K 297 73
                                    


Chapter 5: Handkerchief

"Kaklase mo pala si Oliver, Jamilla," biglang sambit ni Claire habang kumakain. We are here in Cafeteria having our lunch. Nakakadismayado lang dahil hindi ko ulit nakasabay kumain si Aivin ngayon.

Dahil dakilang famous si Oliver, all students here already knew that he is studying here. Bongga, iba talaga kapag famous. Hindi ko masisisi kung bakit dahil halos lahat ng kababaihan dito ay binabasa ang istorya niya.

"Yep."

"E di, laglag panty mo n'yan? How lucky you are? Kaklase mo 'yong idol mo. Ang lupit ng kapalaran," sabi pa niya. Mariin akong tumawa, hindi dahil sang-ayon ako sa sinabi niya kundi dahil nagkakamali siya. Hindi ako masuwerte, kamalasan iyon.

"Sayang! Dapat Gold na rin section niya," panghihinayang na saad naman ni Jess. Hay naku, agree ako sa sinabi mo.

"Okay lang naman 'yon, Jess. Duh? We have a new handsome classmate kaya," kinikilig na sabi ni Claire. Hay naku.

"Ay! Oo nga pala, pang-hollywood ang hitsura niya." Tsk. Napailing na lang ako ng ulo. Basta guwapo, bigla-biglang nagiging hyper ang mga dugo nilang dalawa, unlike me? Well, secret ko lang sila pinapantasya dahil ayaw kong i-expose ang kalandian ko.

"Sino naman guwapo na 'yan?" tanong ko sa kanila sabay subo ng kanin.

Nagpalibre ako sa kanila ng lunch dahil sa naiwan kong pera. Thankful ako dahil meron akong kaibigan na katulad nila kasi kung hindi, siguro'y sa tubig na lang ako mabubusog ngayong araw.

"Si Aivin. Napaka-gwapo talaga niya. His face, his lips, his nose, his eyes and eveything, it makes him so adorable. He is perfect for me. I can't wait to see ourselves holding our hands together someday. Hays," pagpapantasiyang sabi ni Claire. Napailing na lang ulit ako ng ulo dahil sa mga sinabi niya.

"Si Aivin? Tsk. Iba talaga ang karisma ng kaibigan ko."

"Kaibigan?" sabay nilang tanong sa akin.

"Yep. He is my childhood friend."

Lumaki ang mga mata nila, lalo na si Claire. "OMG? Totoo?" Tumango ako bilang tugon. Mariin itong ngumiti at marahang hinawakan ang kamay ko, hinimas-himas niya ito. "He's your friend and I am your friend, too. So, can I have a small favor?" Sinamaan ko siya ng tingin. Sa tono ng pananalita niya, alam ko na kung anong balak niyang sabihin.

"No way."

"Hindi ko pa nga sinasabi 'yong favor ko, no way ka na agad d'yan," giit niya. "Ilakad mo naman ako sa kanya."

"First of all, why should I, Claire? Huwag kang maging desperada sa isang tao. Gagamitin mo pa ako, eh."

"I can't blame myself for being like this. Natamaan ako sa kanya. I love him already." Bahagya akong napairip.

"Mahal mo agad? Limang oras pa nga lang nang makita mo siya and I bet, hindi mo pa siya ganoon lubos na kilala. Hindi naman masamang matamaan sa isang tao pero kilalanin mo muna ito." Madalas na maging ganito si Claire sa mga lalaki, masyado siyang marupok at mabilis magdesisyon para sa nararamdaman niya.

"I agree," sabi ni Jess.

Napabagsak siya ng balikat niya at bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya. "Siguro nga, masyado akong mabilis."

Hinawakan ko ang kamay niya. "Sorry, Claire," sabi ko."Ilan beses ka nang nabiktima ng ganyan kaya please, ngayon naman ay sundin mo na ako. Just let the destiny dictate a way for the both of you. First day of school pa lang naman, there are still ten months kaya marami pang chances para d'yan. At marami pang chances para mapansin ka niya. Maganda ka kaya at masarap kasama kaya hindi imposibleng mangyari iyon. Pero please, huwag mo akong gawing tulay."

broken trustWhere stories live. Discover now