63. Unsure Feelings

550 47 2
                                    

Chapter 63: Unsure Feelings

Seven years later...

Sa loob ng pitong taon, maraming nagbago. Tuluyan nang hindi nagparamdam sa akin si Oliver, miski updates sa mga social media accounts niya ay wala, tila nilayuan na niya talaga ako. No'ng una, nag-aalala ako but eventually, hinayaan ko na lang. Actually, these last 4 years ago I often don't think about him, maliban na lang tuwing gabi kapag bigla siyang sumasagi sa isip ko, nagtatanong sa sarili kung nasaan na ba siya at kung ayos lang ba siya. I've missed him so much. Until now, every morning that I wake up, I always hoping that he's finally back.

Graduated na ako ng college at nakapundar na rin ako ng cake shop sa Makati area. Suportado naman ako nina Mama at Papa. Actually, si Papa pa nga ang nag-pursue sa akin para maipagawa ito, because he knows that this is one of my dreams ever since then. I'm quite grateful by his help. Bumabawi siya sa pagkukulang niya, muli ko na siyang pinagkatiwalaan at hindi naman niya iyon hinayaang masira ulit.

Hindi naman ito gano'n kalakihan pero sapat na, meron kaming six tables with four seater, three tables with six seater and we also have one table in the center with eight seater. Then, may dalawang TV screen in both sides. Ako mismo ang nag-isip ng decorations dito, neutral color 'yong pader at may mga aesthetic picture ng mga cake ang nakasabit. Simple lang.

Pagkatapos kong grumaduate, ito na ang pinagkakaabalahan ko at kinukuhanan ng pera sa pang-araw-araw na gastusin, since malakas lagi ang kita kaya sapat na rin.

Kasalukuyan akong nasa counter at nakatambay saglit dahil katatapos ko lang mag-bake ng cupcakes habang hawak ang phone ko nang tawagin ako ng isa kong helper.

"OMG. Ma'am, Jam," kinikilig nitong tawag sa akin. Jam ang madalas ang tawag ng mga tauhan ko, short term ng Jamilla.

"Ano iyon?"

"Si sir, Prince po, oh. Ang fresh ng hitsura, may pa flowers pang dala." Sabay turo niya sa main door.

Napatingin ako sa pintuan nang makitang naglalakad papalapit na sa gawi ko si Prince habang may hawak itong bouquet of blue roses. Ayos na ayos ang hitsura at napakabangong tingnan. Inside of the 7 years, isa siya sa hindi ako iniwan, lagi siyang nadalaw sa shop at dinadalhan ako ng bulaklak. Tanda ko pa 'yong sinabi niya sa akin noon na papasayahin niya ako and yet he never failed. Everytime I need someone to talk to when I'm feeling tired, he's always there and ready to comfort me. How grateful I am by having him?

"Hello. For you." Big smile niyang sambit. Inabot niya sa akin 'yong bulaklak at tinanggap ko naman ito.

"Thank you pero required ba talaga kapag pupunta ka rito ay may dala ka laging bulaklak? Baka sa susunod, magkaroon na ako ng flower shop niyan."

"Siyempre, ganoon kita kamahal, e," banat niya sabay gulo ng buhok ko. Last year, nagsimula na siyang ligawan ako pero until now, hindi ko pa rin alam kung anong isasagot ko sa kanya. Pinag-iisipan ko pa nang mabuti at pinapakiramdaman ko pa nang maigi. The good thing about him, handa siyang maghintay para sa sagot ko, hindi siya nagsasawa at napapagod.

"Puro ka banat," sabi ko. "Gutom lang iyan. May chocolate rapsberry cupcake akong ginawa kanina. You want some?"

"Of course!"

Ibinaba ko muna sa vase 'yong bulaklak bago tumungo sa kusina. May three chef akong kasama sa paggagawa ng mga cakes, sina Chef RJ, Chef Elle and Chef Raffy. Hindi ko naman kasi kayang ako lang ang mag-isa sa gumagawa, kailangan ko ng katulong.

Pagkapasok ko, nakangiti silang lahat sa akin at tila nang-aasar iyon ngiting iyon. Hays.

-

"Okay lang ba? Masyado bang matamis?" tanong ko sa kanya, pagkatapos niyang kagatan 'yong cupcake. Siya lagi ang pinatitikim ko ng mga gawa ko everytime na may gusto akong idadagdag sa menu.

broken trustWhere stories live. Discover now