30. Thank you, Oliver

783 110 11
                                    


Chapter 30: Thank you, Oliver.

Nang pagkalabas ko ng bahay ay ramdam ko na agad ang lamig ng simoy ng hangin pero isinawalang bahala ko na lang ito dahil nakita kong nakasunod pala sa akin si Papa. Agad ko ulit siyang tinakbuhan at ramdam ko naman na hinahabol niya pa rin ako. Bakit niya ba pa ako hinahabol?

"Anak, Jamilla... Teka lang. Please, mag-usap tayo!" He screamed behind my back but I still ignored it ngunit napatigil ako nang bigla niyang hawakan ang isa kong braso. "Anak, please. Pagbigyan mo na ako, gusto ko ulit kayong makasama." Mangiyak-ngiyak niyang pakiusap. Hell? Anong sabi niya?

Padabog kong tinanggal 'yong braso ko na hinahawakan niya. Nanatili lang akong nakatayo at hindi siya hinaharap. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim para pakalmahin muna ang sarili. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago humarap sa kanya. I guess, this is the perfect time na marinig niya na ang lahat ng sakit na dulot niya sa amin. Kailangan ko nang lakasan ang loob ko.

"Kumusta ka na? Kasi kami nila kuya at mama ay okay na, e. Kinalimutan na 'yong mga problema na dulot mo mismo." Lakas loob kong sabi sa kanya.

"Sorry, anak. Patawarin mo 'ko. Miss ko na kayo." He whispered while looking at my eyes straightly. Pero kahit bulong lang 'yong ginawa niya ay sapat na para marinig ko.

"You've just been saying earlier that you want to be with us again. Hays, pwedeng huwag na? Sapat na 'yong sakit na pinaramdam mo sa amin. Sapat na 'yong pagkukulang mo bilang isang ama dahil kaya naman ni kuyang punan lahat ng iyon. Kaya please, huwag na. Baka sakit lang ulit ang dulot mo."

Tahimik lang siyang nakikinig sa akin. Ramdam kong parang nasaktan siya sa sinabi ko dahil kita sa mga mata niya ngunit hindi ko magawang maawa doon at hindi ko magawang paniwalaan 'yon. Hindi niya na ako maloloko sa mga mata niyang iyan dahil natuto na akong huwag magpaloko, at siya mismo ang nagturo no'n sa akin.

"Pagkaalis mo, nagulat na lang kaming isang araw ay nadepress na lang si Mama. We're actually didn't expecting na aabot siya sa tipong magpapakamatay na. Nakakalungkot lang isipin na ang bata-bata pa lang namin ni Kuya para ma-witness 'yon kay Mama. Mabuti nga kasi napigilan siya, kung hindi, paano na kami noon? Paano na kami mamumuhay? Saan na kami kukuha ng lakas? 'Di ba sabi mo noon we're all together happy family, pero bakit mo binasag? Ang galing 'no? Ang dami mong pinangako sa amin pero hindi mo manlang tinupad kahit isa. You're so unbelievable." Nakita kong umaagos na 'yong mga luha niya mula sa mga mata niya, samatalang ako ay pinipilit na palakasin pa rin ng loob ko. Ayokong makita niya akong umiiyak sa harapan niya. Bahagya ko ulit tiniklop ang mga kamao ko dahil sa galit sa kanya. Ang sakit talaga kapag naaalala ko 'yon.

"Dahil natakot na kaming makita si Mama na maging gano'n ulit ay lumipat na lang kami. Lipat bahay, bagong buhay at bagong problema. We're don't even know where we'll do start, kasi ikaw lang 'yong tatay namin e, kaso iniwan mo pa kami. Alam mo si kuya, nagawang magsinungaling sa amin kasi sabi niya ay nag-aaral daw siya pero 'yong totoo, nagtatrabaho na siya bilang isang janitor, see? Ang bata niya pa para gawin iyon. Kaya ngayon, imbes na may permanent na siyang trabaho ay nag-aaral pa rin siya. But that's okay at least lagi siyang nandyan, hindi katulad mo. Hindi katulad mo na sakit at problema ang ibinigay mo sa amin."

Bahagya siyang yumuko at pinupunasan ang mga mata niya gamit ang mga daliri niya. Habang ako naman ay ilang beses nang lumulunok ng laway.

"After you heard those problems we encountered. Tama pa ba para patawarin ka? Tama pa ba para tanggapin ka pa namin ulit?" Huminga muna ulit ako ng malalim at tumalikod. "Stop following me, Gusto kong mapag-isa."

Bago ulit ako tumakbo ay rinig kong may binulong siya ngunit hindi ko na lang ito binigyan pansin. Pumunta ako sa may ilalim na punong mangga at umupo sa duyan.

broken trustWhere stories live. Discover now