23. New Found Friend

872 135 45
                                    


Chapter 23: New Found Friend

Great! Just great. Inabot na ako ng umaga para patulugin ang sarili ko pero walang nangyari. Kaya ngayon, 6:30 ako pumasok sa school kahit 7:30 pa ang start ng klase ko. Nakakainis, nilamon na ni Oliver 'yong buong kaisipan ko dahilan para nasa kanya lang nakatuon ang attention ko buong gabi. Jusko, wala akong tulog, ang lusog tuloy ng eyebags ko.

Naglalakad lang ako dito sa hallway ng school namin nang biglang may nagsalita sa likuran ko, si Claire. "Jamilla? Woah. Kagulat-gulat at ang aga mo ngayon ah." Mas-kagulat-gulat yata no'n bigla siyang sumulpot d'yan eh.

"Kaya nga. Eh ikaw, ba't ang aga mo rin?"

"Ipagpapatuloy kasi namin 'yong project namin ngayon, mamaya na ang deadline no'n kaya I'm here so early. Actually, paparating na rin si Jess." Tumango-tango ako sa kanya bilang tugon. "Huy! sakto 'yan na pala siya." Tumingin ako sa babae na naglalakad na papalapit na sa amin, kita rin sa mga mata niya ang pagtataka habang nakaderetso lang ang tingin sa akin. Isa pa 'to, siguradong magtatanong din ito.

"Girl? Woah, ano't ang aga mo?"

"Same reaction here Jess." Sabat ni Claire.

"Wala akong tulog." Walang gana kong sagot.

"Obviously, ang laki ng eyebags mo beh."

"Hays, nakakainis nga kung kailan gust—" Biglang dumako ang attention namin kay Claire na ngayon ay hindi na mapakali. Para siyang kinikilig na ewan habang nakatingin sa likuran namin ni Jess. Naku naman. Problema ng babaeng 'to?

"Kyah! I knew it. Omg. Totoo ba 'to?" Parehas kaming nagtataka ni Jess dahil sa pagka-exaggerate ng reaction ni Claire. Loka, umangang-umaga, ang taas ng energy.

"Huh? Nangyayari sa 'yo?"

Instead na sagutin niya 'yong tanong ko ay tinaas niya 'yong braso niya at may tinuro sa likuran namin. When we followed her hand I immediately shock at napatakip ng bibig. Bakit nandito agad siya nang ganitong ka-aga?

"Hmm.. Kaya pala napuyat." Rinig kong bulong ni Jess pero hindi ko na itong nagawang pansinin pa.

Nang dumako ang tingin ni Oliver sa amin ay kita rin sa mukha niya ang pagkagulat pero binawi rin niya dahil he suddenly smiled at me. Alam kong para sa akin 'yong ngiti na 'yon dahil sa akin lang siya nakatingin. Ayoko sana mag-assume kaso I can't control it. Lumapit siya sa amin, magsasalita na sana siya para batiin kami ngunit biglang nakisabat si Claire.

"Omg! Ang laki rin ng eyebags mo!" Hindi ko napansin kanina pero tama nga si Claire. Hindi rin ba siya nakatulog dahil sa nangyari kagabi kaya ang lusog din ng eyebags niya? No! Imposible, don't assume Jamilla. Hindi totoo 'yon.

"Hindi ako nakatulog eh." He take me a glance after he said that. Bakit kaya hindi rin siya nakatulog?

"Totoo?! Gosh. Claire, may nararamdaman akong kakaibang nangyari kagabi." Hinala naman ni Jess. Hays, ang galing talaga nila sa mga ganitong bagay. Natutuwa naman ako at hindi na siya nahihiya kay Oliver.

"Ako nga rin, eh. Naku! Kinikilig ako!"

"Tam—"

"'Di ba may ipapatuloy pa kayong project? Umalis na kayo kasi ilan minuto na lang ay mag-i-start na ng klase. Bahala kayo, umaandar ang oras." Shookt. Mabuti't pinutol ko ang sasabihin ni Oliver sa kanila dahil alam kong aaminin na niya, kapag sinabi niya 'yon ay baka hindi na nila ako tigilan para ikuwento kung anong nangyari, tsismosa pa naman ang mga ito.

"Hala! Tara na baka mainis na si Aivin." Bago sila tuluyan umalis may paiwan sabi pa itong si Claire. "Hindi pa tayo tapos, Jamilla!"

-

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon