53. Angel's Pictures

438 44 2
                                    

Chapter 53: Angel's Pictures

Punyeta, huli na nang malaman kong birthday na pala ni Oliver ngayong araw. Palibhasa, hindi ko siya tinatanong masyado about his personal background kaya ayun, kung hindi pa ipinaalam sa akin ni Claire, hindi ko pa malalaman.

Puspusan ang ginawa kong 5 blueberry cupcakes, as my gift for him. Pinag-isipan ko pa ang bagay na ito because actually, I had no idea what's the material things he wanted to. I just baked a cupcakes.

Before I went to his condo, kusa akong dinala ng mga paa ko sa harap ng pinto ng bahay ni Prince at naisipan maglapag ng isang box ng cupcake with sticky note on top. Bahala na siya kung sasang-ayunan niya ang request ko, basta miss ko na rin siya.

Usap naman tayo, please?
Hindi ako sanay na may
misunderstanding tayo.
:(

-

Walang idea si Oliver na pupunta ako sa condo niya at siguro buong akala niya ay hindi ko alam na birthday niya ngayong araw. Gusto ko siyang sorpresahin. I'm all good, I just take a deep breath first before I knock on his door.

Pagkatok ko ng isang beses ay iniluwa rin siya agad ng pinto. Gulat siyang tumingin sa akin but eventually, he just smiled. Ako yata ang na-surprise dahil hindi ako kumportable sa sando niyang suot.

"Happy Birthday!"

"Naks. Alam mo?" Abot mata ang ngiti niya.

"Siyempre, ako pa."

"Salamat!" He instantly hugged me but I'm not comfortable with it, lalo na dahil simpleng sando lang ang suot niya. Nakahinga ako nang maluwag nang agad din siyang humiwalay. "Come in."

Nang pagkapasok ko, napukaw agad ng mga mata ko ang mga litratong nakakalat sa sahig ng living room niya. I feel a little confused before I recognize the girl printed on each pictures. Napalunok ako ng laway at may kung anong karayom ang tumusok sa dibdib ko.

"This is Angel, right?" Malumanay kong tanong.

"Yep." Sagot niya. "Sorry kung nakakalat. I was about to declutter all pictures of her that I collected. Huwag kang magselos, there's no issue involve on here," He kissed my forehead.

"Hindi naman ako nagseselos."

"Pero hindi nagsisinungaling ang mga mata mo," Humiwalay na siya sa akin at agad pinulot lahat ng pictures na nasa sahig at itinapon sa plastic bag na hawak niya.

Ngumiti na lang ako sa kawalan dahil okay na ako sa sagot at sa ginagawa niya ngayon, tama siya wala naman dapat akong ika-selos. Gosh, bakit ba ako nagseselos sa isang taong patay na? Na imposible nang bumalik pa.

Tumungo ako sa kusina niya at inilapag doon 'yong mga cupcakes. Umupo muna ako sa couch at pinanood siya sa ginagawa niya.

"Anong plano mo today?" I asked. Tumigil muna siya at tumingin sa akin.

"Wala. Normal na araw lang. Wala naman akong usually ginagawa kapag birthday ko."

"Really? As in, wala? Hindi mo manlang sine-celebrate kahit kakain o papasyal lang with your family? Ang boring no'n kapag wala."  

Tumawa lang siya nang mariin at nagpatuloy sa ginagawa. "Hindi ko nakakasama nang buo 'yong pamilya ko kapag birthday ko. Kung mayroon man, 'yong dalawa ko lang kapatid. Nanonood ng movie sa bahay, 'yon lang. Simple celebration. 'Yong mga magulang is always busy by doing their important things. Kaya ayun, nasanay na rin akong walang mga handaan."

broken trustWhere stories live. Discover now