22. Unexpected Night

850 145 42
                                    


Chapter 22: Unexpected Night

Guess what? I've been trying to sleep so early but my soul still awake. Halos lahat siguro ng pwesto ay nagawa ko na pero hindi pa rin ako makatulog. Jusko. May pasok pa ako bukas.

Actually, wala naman akong inaalala or ini-imagine ngayon. Sadyang ayaw lang talaga ako patulugin ng diwa ko. Kung kailan hindi na magulo ang utak ko saka naman ako hindi makatulog. Bwiset e!

Maya-maya nagulat ako nang bigla na lang tumunog 'yong phone ko. Sino naman tatawag ng gan'tong oras? Gosh, gan'to 'yon mga napapanonod ko, may tatawag at tatakutin ka, then murder pala 'yon. Over acting Jamilla. Erase.

My forehead immediately pucker when I saw the printed name at the screen. Tumatawag si Mokong. Anong kailangan ng taong 'to? Gabing-gabi na ah.

"Hello?" Walang gana kong tanong.

"Still awake?"

"Obviously. Bakit?"

"Punta ka rito sa Park niyo."

"Hoy! Mokong. Tingnan mo kung anong oras, almost 1 Am na tapos papapuntahin mo pa ako d'yan? Nek-nek mo!" Wala ba siyang relo at hindi aware na madaling araw na? Delikado na at hindi ako papayagan ni mama lumabas. Hello? Nakakatakot kaya sa labas, lalo na't ang lalayo ng agwat ng mga poste ng ilaw dito.

"Bahala ka, pagsisisihan mo kung bakit hindi ka pumunta rito."

"Bakit ba?!"

"May mga importante rito."

"Huh? Importante?"

"Ewan, bye!"

Mokong 'to. Nakakabwiset.

-

Kahit labag sa kalooban ko, sinubukan ko pa rin siyang puntahan. Nakakakonsenya naman 'pag hindi manlang ako sumulpot. Kawawa naman siya, nag-effort siyang pumunta dito kahit gabi na. T'saka in the other side, hindi naman siya pupunta nang gan'tong oras kung hindi talaga importante.

Nagsuot ako ng jacket dahil alam kong malamig sa labas at idagdag na rin na manipis lang 'tong suot ko.

Nag-ala-ninja ako palabas ng bahay namin, I didn't tell to my mother or brother about this 'cause I know they won't allow me. Mabuting masarap ang tulog nila dahil naririnig ko pa si kuya na humihilik.

Nang makalabas ako ng bahay ay nakahinga ako nang maluwag. First time ko lang 'to gagawin Oliver, pasalamat ka may konsensya ako ngayon.

"'Pag talaga ako napahamak dito sa gimik mo, lagot ka talaga sa akin Oliver." Bulong-bulong ko pa sa akin sarili. Kahit naka-jacket ako ay ramdam ko pa rin 'yong lamig ng simoy ng hangin dito sa labas.

Nang makarating ako sa parke ay tahimik lang at walang tao o anino manlang. Pinapunta niya 'ko rito tapos wala naman pala siya. Talk sh*t.

Pero baka nga nandito 'yon si Mokong, kaso paano ko siya mahahanap? Eh hindi ko siya ma-co-contact kasi iniwan ko sa bahay 'yong phone ko.

"Oliver naman. Nasaan ka ba?"

Tumingin-tingin pa 'ko sa paligid. Pumunta ako sa labasan ng subdivision namin, baka naisipan na niyang umuwi kasi akala niya'y hindi ako darating. Hindi nga 'ko nagkamali dahil meron akong nakitang lalaki na naka-hood habang naglalakad papalayo.

"Oliver!"

Tumigil siya sa paglalakad and after 3-5 seconds he turned around at my direction. Kita sa mukha niya ang pagkagulat at ano.. ewan... Saya? Kilig? Don't assume, Jamilla.

"Akala ko ayaw mong pumunta rito but you came." Ngiti lang ibinigay ko sa kanya. Naglakad siya papalapit sa akin.

I accidentally take a glace on what he was carrying of. Wait? Totoo ba 'to? Kaya ba niya pinapapunta rito dahil do'n? OMG! He's correct, importante nga.

broken trustWhere stories live. Discover now