19. Chocolate Candies

946 158 31
                                    


Chapter 19: Chocolate Candies

Pagkapasok ko sa Classroom namin, there's a something took my attention, may maraming chocolate candies na nakapatong sa aking 'mesa. Nagtataka ko itong pinagdadampot at tiningnan mabuti. There's no a card or what, maybe this is not for me. I guess there's a someone put these on my table at kukunin rin mamaya. Nakikipatong lang for awhile.

Nilipat ko 'yong mga chocolates sa table naman ni Oliver kasi kailangan ko nang umupo at ayoko naman na may sagabal.

Hindi ko maiwasan na hindi mailaglag 'yong iba dahil sa rami nito. Itong mga chocolates na ito parang katulad sa tindahan na tig-pipiso, kaso imported at mukhang mas mahal pa sa kisses. Siguro naman hindi bilang no'n naglagay nito dito kasi kung bibilangin ay siguro mga nasa 80 pieces. Sino ba naglagay nito rito? Hindi manlang nilagay sa lagayan, eh. Nakakabwiset.

Mas pinapaniwalaan ko na hindi bilang no'n naglagay nito dito. Hmm.. I like to get one chocolate candy pero mukhang hindi naman aabot sa lalamunan ko, maybe just two. Eek! Stop Jamilla. Masama magnakaw nang hindi sa iyo.

"Jamilla! Uy! Sa 'yo 'yan!" Rinig kong tawag sa akin ng classmate kong babae kaya kunot noo ko itong tiningnan.

"Sa akin?" Hindi makapaniwala kong tanong sa kanya habang tinuturo ko pa ang aking sarili.

"Yes." Nakangiti niyang saad.

"Kanino galing?" Naguguluhan pa rin ako. Gusto kong malaman kung sino nagbigay nito sa akin para maibalik muli sa kanya, kahit kanina pa ako natatakam, ayoko pa rin tanggapin.

"He wasn't want to tell his name to us, but he's so gwapo and ang laki-laki ng katawan. Siguro taga senior-high siya." Sagot naman ng isa ko pang kaklase. Malaki katawan? Gwapo? Senior high? Gosh. Pati taga-do'n ay umabot ang beauty ko. Ang ganda ko talaga.

"Okay?" Umupo na ako at nagdalawang isip kung kukunin ko ba o huwag na. But in the end kinuha ko ulit babalik at pinatong ulit sa aking 'mesa. Ilalagay ko na lang ito sa bag ko at 'pag nalaman ko na kung sino nagbigay nito sa akin ay saka ko na lang ibabalik.

After kong ilipat 'yong mga chocolate candies ay naisipan kong pulutin naman 'yong mga nasa sahig na nailaglag ko.

"Kung ilan makukuha ko akin na lang, ha?" Bigla akong napatigil sa pagpulot at tumingin sa taong nagtanong sa akin. 'Andiyan na pala siya, hindi ko namamalayan.

"Excuse me? Bigay raw 'to sa akin at ibabalik ko."

"Do you think na tatanggapin pa niya 'yan? You should claim it, bigay na nga sa 'yo, ibabalik mo pa." Ngisi niyang sabi.

"Walang info kung kanino nanggaling ito. Baka mamaya, mamatay na lang ako kasi may lason 'to."

"You know what? You're such an over-acting person." Umiling-iling na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin. Mas mabuti nang huwag nang makipagtalo sa kanya dahil alam kong walang patutunguhan iyon. Itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagpupulot.

Mabilis kaming natapos at nilagay na namin sa bag ko. Ilan minuto na lang ay magsisimula na rin ang aming klase kaya medyo marami-rami na rin kaming estudyante rito.

"Look, Tiger Girl." Tawag niya sa akin. Mabilis akong tumingin sa kanya saka sinarado ang bag ko. Jusko! Mukhang lobo na ang bag ko dahil sa rami ng laman nito.

"Bakit?" Nakita kong kumain siya ng isang chocolate candy. "Ba't mo kinain? Ibabalik ko pa nga sabi 'yan, ah! Iluwa mo!" Hinawakan ko ang leeg niya at sapilitang pinapaluwa. Akala ko nailagay na niya lahat ng hawak niya sa bag ko pero kumuha pa rin ng isa. Hays! Ang kulit talaga niya.

"Aray! Bitawan mo nga 'ko. Isa lang naman kinain ko. Gusto ko lang mapatunayan sa 'yo na walang talaga itong lason, and safe siyang kainin."

"How you so sure? Malay mo, saka lang siya magkakaroon ng effects kapag marami ka na nakakain." Tinanggal ko na ang kamay ko sa leeg niya.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon