47. I Knew it

485 52 1
                                    

Chapter 47: I Knew it.

Humiwalay na ako mula sa pagkakayakap sa kanya nang makaramdam ako ng hiya. "Nasa harapan tayo ni Angel. Nakakahiya."

Tumawa siya nang mariin. "She understands it."

Napansin kong may kinuha siyang tela mula sa kanyang shoulder bag. Hindi gaano kalaki ito, kaya nagkasya iyon doon sa loob. He laid the blanket on to lawn and sat down under it. Nagtataka ako sa ginagawa niya.

"Don't tell me, we will stay here for a while?"

"Parang ganoon na nga. Dito tayo mag-da-date," Kumunot ang noo ko but eventually, hindi na ako sumabat pa at umupo na rin sa tabi niya. "Ayaw mo ba?"

"Hindi naman," Sagot ko ngunit sa loob-loob ko, hindi ganito ang ine-expect. Akala ko kasi, sa mga usual place niya ako dadalhin, like Enchanted Kingdom, Amusement Park, Sea side o kahit sa anong lugar na pasyalan. Not in here... Cemetery? Unexpected.

"Maganda kaya rito. Tahimik. Relaxing ang hangin. Solo natin ang lugar. Ang sarap magmuni-muni."

"Sabagay. But next time, huwag na rito."

"Hmm.. Sige."

-

Kasalukuyan na kaming kumakain ni Oliver ng binili namin sa Burger King at ng mga chips. Tiningnan ko ulit 'yong puntod ni Angel at binasa ang mga nakasulat dito. Ang bata niya pa pala para mamatay nang maaga.

"Almost 4 years na rin pala siyang patay, 'no?"

"Yep."

"May tanong ako, sana sagutin mo nang totoo," He looked at me, and ready to answer my question. "What if, hindi siya namatay? Kayo pa rin ba kaya? Hindi mo ako makikilala?"

Panandalian siyang natigilan at halatang nag-aalinglangan sumagot. "I guess? Kasi alam kong siya ang rason kung bakit kita nakilala, kung hindi siya namatay, walang istorya ang nabasa mo, walang I Catch Your Heart na sumikat, walang Oliver na nakikilala mo. Siguro kung buhay pa siya, kami pa hanggang ngayon, kasi mahal na mahal ko siya noom, eh."

"Okay, thank you for being honest," Sabi na, eh. Dapat hindi na ako nagtanong kung may kukurot lang din ng kaunting sakit sa puso ko.

"Bakit ka ba nagtanong?"

"Wala lang. Curious lang. Bawal ba?"

"Baka nagseselos ka," Ginulo niya ang buhok ko. Alam kong biro lang 'yon, but my ego take it seriously. Nagseselos nga ako sa taong patay na. Ang hirap pigilan.

"Hindi, ah." Depensa ko.

"Basa ko sa mga mata mo, nagseselos ka raw. Wala ka dapat ikaselos. Besides, wala na naman siya. Tayo ang itinadhana," How he so sure na kami ang itinadhana?

"Hehe," Pilit kong tawa.

Tumawa lang siya at inakbayan ako. Nagpatuloy lang siya sa pagkain at pinakagat ako sa burger na hawak niya. Tawang-tawa siya dahil halos lumobo na ang pisngi ko dahil sa laki ng nakagat ko. Gosh. Ang hirap nguyain.

Inihatid niya ako sa bahay ng mga 5:30 na ng hapon, nag-stay muna siya sa bahay ayon sa request ni Mama. Nandito si Kuya dahil wala siyang pasok ngayong araw, kaya siya ang kausap ni Oliver. Habang ako naman, nagpalit muna ng damit bago bumaba.

Pagkababa ko, nakita agad ako ni Kuya. "Jamilla, naghintay ako kanina kina Aivin and Rico. Pupunta pa ba sila?" Anak ng tinapa, nakalimutan kong sabihin sa kanila na pinapapunta pala sila ni Kuya dito sa bahay ngayong araw.

"Nakalimutan ko palang ipaalam sa kanila."

"Sabi na, eh. Okay lang, bukas na lang. Sabihan mo na sila mamaya, ha. Wala pa naman akong pasok bukas," Tumango ako bilang tugon.

broken trustOnde histórias criam vida. Descubra agora