41. Permission

470 69 3
                                    


Chapter 41: Permission

I'm currently now with my family having our dinner. Mabuti't kumpleto na ulit kami dahil minsan ay kaming dalawa lang ni Mama ang sabay kumakain ng hapunan at si Kuya naman is always busy on his school and on his job as well that's why his schedule is always hectic. Working student kasi siya. Nakakalungkot nga kasi we can't have enough time for bonding, kapag umuuwi kasi siya ay pagod na.

"Kuya?" Napatingin siya sa akin. Gusto ko nang ikuwento sa kanya 'yong pagkikita namin ni Rico. Actually, Rico is very close friend of my brother. No'ng nasa Laguna kami, silang tatlo nina Aivin, Prince at Kuya 'yong laging magkakasamang maglaro ng kung ano-ano.

"Why?"

"I have something to tell you about Rico. Remember him? Your one of your close friends when we are in Laguna?"

"Oo naman. Bakit?"

"You're right! Nandito siya ngayon sa Manila at balak mag-transfer sa pinapasukan kong school dahil lang kay Jess," Sambit ko at sumubo ng kanin.

Ngumisi lang siya at nagsalita. "Ang loko, tinamaan nang todo sa kaibigan mo. Tsk. Mukhang kinakatawanan na 'yong kanyang pagbabago."

"Sinabi mo pa. Haha."

"Saan daw siya nakatira ngayon, anak?" Napatingin ako kay Mama nang bigla itong magtanong.

"Ay, I forgot to ask. Itatanong ko na lang po kung makakasalubong ko man siya sa campus," Sagot ko.

"At yayain mo na rin pumunta rito sa bahay para makapag-usap-usap manlang kami, pati na rin si Aivin. Taon na rin 'yong huli namin pagkikita."

"Okay, Kuya. Pero kailan?"

"Sa sabado," I just nodded at him as my response.

"At meron pa po akong nais itanong," Kinakabahan kong sabi. Hindi ko alam kung ngayon na ba 'yong tamang oras para itanong ito o hindi. Kaso gusto ko na agad ng permission galing sa kanila tungkol dito.

"What's it?"

"P-p'wede na po ba ako magka-boyfriend?" I bit my lower lip, at least to lessens my nervous. Hindi ko alam kung anong itutugon nila pero sana nama'y 'yong sagot na gusto kong matanggap ay matanggap ko.

Nagtinginan silang dalawa at tila'y nangungusap ang kanilang mga mata. Ibinaling ulit nila ang tingin nila sa akin at sandali akong tinitigan. Pakiramdam ko, naiihi ako sa kaba. Huwag silang tumingin nang ganyan sa akin, nawawalan ako ng pag-asa.

"May boyfriend ka na?" Tanong ni Mama.

"Wala pa po, kaya nga po humihingi ng permiso," Sagot ko.

"Sino ba iyan tinutukoy mo?" Tanong ni Kuya. Tama bang sagutin ko na si Oliver iyon? Pero kapag sinagot ko nama'y sana pumayag na sila. Gosh, ano 'tong sinasabi mo, Jamilla? Eh, hindi ka pa nga sigurado kung gusto mo rin si Oliver.

"Nothing. Nevermind. Huwag niyo na po palang sagutin," Itinuon ko ulit 'yong atensiyon ko sa pagkain at ipinagpatuloy ulit iyon.

"Bakit naman? Papayagan ka naman namin kung ipapakilala mo sa amin kung sino iyan," Sambit ni Kuya. Hindi ko yata kayang ipakilala sa ngayon si Oliver sa kanila dahil hindi ko alam kung kailan ba balak nitong magpaparamdam sa akin.

"Huwag na nga."

"Pero kapag si Oliver iyan? Basically, I will let you to be her girlfriend," Gulat akong napatingin kay Mama nang sabihin niya iyon bigla. Nanlaki ang mga mata ko dulot ng hindi makapaniwala. Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti at maging maligaya dahil doon. "Am I correct? Si Oliver nga iyon, anak?"

broken trustWhere stories live. Discover now