1. First Meeting

4.7K 432 159
                                    


Chapter 1: First Meeting

Jamilla

Kasalukuyan kaming naglalakad na sa loob ng MOA, naghahanap kami kung saan puwede munang kumain but I can't help my eyes for being inescapable to look with a dress and shirts that we pass through. Nagmumukha akong tagabundok na para bang ngayon lang nakapasok sa loob ng Mall. Actually, this is my first time here in MOA, even almost 4 years na kami rito sa Manila ngunit ngayon ko pa lang naranasang makapasok dito.

Like what I was saying, nandito na kami sa MOA for book signing event ni Shadowboythatyoulove a.k.a. Oliver. When I visited his social media accounts yesterday, I didn't expect that he is a famous mysterious author in Wattpad or should I say, in the Philippines. Nice. Mas nakaka-excite tuloy na makita siya, 'yong tipong iniidolo ng lahat, makikita't mahahawakan ko na.

Basically, I called him as a mysterious person because there's no even pictures of him uploaded on his accounts. Only name and gender lang 'yong detalye na alam namin about him and the others, wala na. Then, ang mga accounts niya ay for updates lang ng story niya, Kung may litrato man, animé pictures lang. Wala naman akong magiging issue kung guwapo o wala siyang hitsura kasi hindi ko naman siya iniidolo dahil do'n, iniidolo ko siya dahil sa ganda ng akda niya.

First time lang 'tong booksigning ni Oliver and we're so very lucky kasi malapit lang 'yong MOA mula sa bahay ko at sa mga kaibigan ko rin. So that, hindi na namin pinaglapas ang pagkakataon na ito.

"Jamilla, ano na? I'm already starving. Magpapalinga-linga ka na lamang? Kakain pa ba tayo?" Jess tapped my shoulder. Signaling that we should eat our lunch.

"Oo naman," I answered without even looking at her, naka-focus pa rin ang mga mata ko sa mga damit.

"Sa'n ba tayo kakain, Jamilla?" tanong naman ni Claire kaya humarap ako sa kanya. I derange smiled at her.

"Bakit? Aren't you going to treat me?" I teased.

"Hindi, malamang."

"Psh. Sa McDo na lang tayo."

"Sa Italian Resto na lang kaya? What do you think, mga bes?" Sabay naming sagot ni Jess kaya agad akong napalingon sa kanya.

"Agree ako d'yan, Jess. Minsan lang tayo pumunta rito sa MOA. Why would we try in expensive resto? Ikaw, Jamilla? Is it okay to you?"

Kung siya ay sumang-ayon pwes ako, absolutely, I won't. Hindi ko afford ang mamahalin resto ngayon, kasi 5k lang ang baon ko and it is only enough for me because there's an important stuff that I have to buy, such as, school supplies, books, damit na nakita ko kanina at idagdag na rin 'yong ice cream na para sa kumag kong kuya. Tipid challenge ako sa araw na ito.

"Sasama na iyan! Tara na, my belly growling na, eh. Gusto nang kumain!"

Nagsimula na sila maglakad. Mga ilang hakbang pa lamang nila, lumingon ulit sila sa akin, napansin yata nila na hindi pa rin ako nakasunod sa kanila.

"Ano?! Ikaw na nga 'yong na-late kanina, balak mo pa yatang magpa-late ulit, 'wag mo naman kaming idamay," reklamo ni Claire.

Tama siya, ako 'yong hindi sumunod sa oras kanina. Hindi ko kasalanan na tulog mantika ako kaya hindi ko narinig 'yong alarm clock ko. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Claire sa bahay namin, siguro mahimbing pa rin tulog ko hanggang ngayon. Gosh. Imagine, 8 AM ang usapan namin pero nagising ako ng 9:45. Is this considered as normal?

"Tatayo ka na lamang talaga d'yan?"

"Sa McDo ako kakain, hindi sapat ang pera ko para mag-Italian Resto."

"Ow? 'Yon lang reason mo? Sige na nga, ililibre ka na namin," they offered. Tila nagbago ang ihip ng hangin, kanina binibiro ko si Claire na ilibre ako pero ngayon nakaisip ako ng palusot.

broken trustWhere stories live. Discover now