14. I'm Dead

1.1K 181 26
                                    


Chapter 14: I'm dead

Successful naman ang booksigning ni Oliver ngayon, walang naging problema at walang gulong naganap pero 'yong sistema ko sa loob ng katawan ko ay do'n lang nagkaroon nang matinding problema.

Alam ko sa sarili ko na dapat hindi ko ginawa iyon paglapit kay Oliver para ibigay 'yong bottled water niya, dahil nga natatakot akong maging bida na naman ng issue, kaso huli nang maisip ko na mali pala 'yong ginawa ko, so ngayon? anong magagawa ko? I cannot get it back then, nangyari na ang ayaw kong mangyari. All I have to do is to accept the fact that anytime may lalabas na issues between me and Oliver kaya kailangan ko rin maging handa kasi alam ko rin na may mga bashers din na darating. Nararamdaman ko maya-maya lang mag-hi-hysterical na ako. Huhu! Nakakagigil talaga!

Almost 2 hours rin 'yong booksigning ni mokong pero halos hindi ko na ito namalayan dahil sa gulo ng utak ko kanina, imagine, that time I was thinking of what kind of issues will Oliver's readers do. Do'n lang ako naka-focus. Nakakainis! Kung hindi lang ako tinawag ni Oliver kanina para umalis na do'n, hindi na 'ko titigil kakaisip.

Lahat ng ito ay kasalanan ni Maria, If she didn't give to me her obligation I am not acting like this. 'Pag nakita ko pa 'yong mukha niya kung saan-saan, magdasal na siya kasi lolokohin ko siya na malapit na ang kamatayan niya at kailangan niyang patayin 'yong co-workers niya which is si Ellive para hindi siya mamatay agad, hindi pa lang iyan ang maaabot niya sa akin, papaliguan ko pa siya nang kumukulong potion ng x2 ng kabobohan para naman mas lalo siyang maging bobo at uto-uto! Argh! Kainis talaga, this is such a crazy day! Patay ka talaga sa akin Maria! Magtago ka na. Gosh.

"Hey? Are you listening to me?" Bumalik na ulit ang diwa ko nang biglang magsalita si Oliver. Pati pa naman ang isip ko ay hindi na magawang magfocus sa mga nangyayari ngayon. Kasama ko pa pala siya

"Ha? Sorry? Can you repeat it again?" Pakiusap ko sa kanya. Nagsasalita na pala siya nang hindi ko namamalayan. Ano na tenga? Pati pa naman ikaw ay naapektuhan na rin?

Anyways, nasa loob pa rin kami ng mall ni Oliver, naglalakad-lakad kami but I don't even know kung saan kami pupunta, wala akong balak tanungin siya kasi alam kong wala rin siyang balak sagutin ako and at the same time wala akong ganang magtanong sa kanya.

I want to act in a normal way, kaso hindi ko pa rin maiwasan mag-isip kung gaanong kalaking issue ang mangyayari, siguro ngayon may fiesta na sa social media about me and Oliver, marami na naman maiinggit sa akin katulad ni Daenice, I swear.

"Nakikinig ka ba talaga?" Tanong ulit sa akin ni Oliver. Wait? Nagsalita na ba ulit siya? Hala!

Gulat akong tumingin sa kanya at halata ko naman ang pagtataka ang namumuo sa mukha niya. Ba't kasi hindi ko narinig 'yong sinabi niya? Nakakahiya na kung magtatanong pa ulit ako, but there's nothing bad, magtatanong lang naman ulit ako ah? Hindi naman matutuyo laway niya 'pag nagsalita siya.

"Pwedeng pakiulit?" Nahihiya kong tanong. Susubukan kong nang hindi na isipin 'yong nangyari kanina, sana universe ay makaya ko 'yon.

"Iniisip mo pa rin ba 'yong nangyari kanina?" Imbes na sagutin niya 'ko, tanong ang ibinigay niya sa akin. Kung kailan ready na talaga akong malaman kung ano ang sinabi niya saka niya naman akong tinanong ng iba.

"Oo? Naiinis pa rin kasi talaga ako, eh." Patanong kong sagot nang ikinadahilan ng pagtawa niya though I couldn't see his face all over, may suot pa rin kasi siyang mask, pero halata sa mga mata niya na natatawa siya. Pero bobo rin ito eh, siya lang may mask samantalang ako wala, sikat na rin kaya ako. Heller?

"Haha May paglabas pa kasi! Ayaw raw maging sikat kaya ayaw tumabi sa akin kanina, pero bakit lumabas ka at nagpakita sa mga readers ko?" Akala ko nakalimutan na niya 'yong kanina, since hindi niya na 'ko inaasar. Dapat pala 'hindi' na lang ang sinagot ko sa kanya.

broken trustOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz