31. I Can't

690 97 7
                                    


Chapter 31: I Can't

Agad akong bumangon sa akin pagkakahiga nang magising agad ako. 6:30 pa lang ng umaga ay nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Hindi na ako makapaghintay sa gaganapin na programa sa school namin na 'Family day' at shempre kasama ko ang pamilya ko. Sobrang excited na talaga ako.

Nang matapos ko nang ayusin ang aking sarili ay tumakbo na agad ako sa dining area para kumain na ng breakfast kaso pagkarating ko, walang akong makitang mga pagkain na nakahanda at wala sila Mama, Papa at Kuya. Asaan kaya sila? Nakalimutan ba nila na may Family day ngayon sa school? 7:30 pa naman ang start no'n.

"'Pa? 'Ma?" Tawag ko sa kanila ngunit walang sinuman ang sumasagot sa kusina. Naisip ko na baka tulog pa sila o nag-aayos pa lang ng kanilang mga sarili kaya agad akong tumakbo papunta sa kwarto nila.

Bigla akong nakaramdam ng kaba nang may marinig ako na parang may naiyak mula sa kwarto nila Mama at Papa, dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto nila. Nang pagkarating ko, unti-unti kong binubuksan ang pinto at bahagya munang sumilip.

Napakunot ako ng noo nang makitang umiiyak si Mama habang may niyayakap na papel.

"Mama, ba't ka naiyak?!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo papalapit. Mas lalo akong nanghina nang tumingin siya sa akin, kita sa mga mata niya kung gaano siya nalulungkot ngayon dahil sa pagiging pula ng mga ito.

Niyakap ko siya nang mahigpit at niyakap niya rin naman ako ng pabalik. Ano bang problema? Dapat masaya siya ngayon kasi nga family day.

Hindi ko alam kung bakit bigla rin akong napaluha nang makita si Mama, siguro kasi ayoko siyang makitang naiyak, dahil nasasaktan ako.

Ilan minuto rin kaming nanatiling magkayakap habang patuloy pa rin kaming naiyak. Inilayo ko ng kaunti ang aking sarili mula sa kanya at tinanong muli siya.

broken trustWhere stories live. Discover now