61. Book of Our Story

586 44 5
                                    

Chapter 61: Book of Our Story

One week later, I still didn't let Oliver explain his side, kahit araw-araw siyang nasa tapat ng bahay ko at hinihintay pa rin ako, hindi ko pa rin siya binibigyan pansin. One week later, nawala na rin 'yong kumakalat na video ko, nawala na rin 'yong nga nangba-bash kay Oliver. Kahit paano ay nakampanti na rin ako dahil maraming estudyante sa school ang nag-defend sa amin, lalo na kay Oliver.

Natutuliro ako tuwing iniisip na nasa labas lang ng bahay namin si Oliver. Hindi ko alam kung paano niya natitiis maghintay d'yan ng buong maghapon, umuuwi lang kapag gabi na.

"Ano ba talagang problema niyo ni Oliver?" Napatingin ako kay Kuya habang nakain na ng hapunan. Hindi pa rin nauwi si Mama.

"Basta, Kuya."

"Anong basta lang? I want you to talk to him right now. Ayusin niyo ang dapat ayusin. Kawawa 'yong tao."

Agad siyang tumayo sa inuupuan niya at hinigit ako papunta sa main door namin, naalarma ako dahil hindi pa ako handa para kausapin siya ngayon. Kahit anong pagpupumiglas ang gawin ko ay hindi ko pa rin siya mapigilan sa ginagawa niya.

Ni-lock ni Kuya ang gate namin kaya wala akong choice kundi, makulong sa paningin ni Oliver. Punyeta, anong gagawin ko rito? Hindi pa handa ang tainga ko para makinig.

"J-jamil-"

"Huwag mo akong kausapin." Sumandal ako sa gate at napahilamos ng mukha.

Tumahimik siya at umupo sa sidewalk ngunit ang kaniyang mga mata ay deretsong nakatingin sa akin. "Don't look at me like that."

"Dapat ba ganito?" sabi niya at mas pinaawa pa ang mga mata.

"Pilosopo."

Nanatili lang na awkward ang bumalot sa amin dalawa, hindi na rin ito nakatingin sa akin. Lumipas pa ang 20 minutes but we're still in the silent mode, kahit alam kong kating-kati na siyang magpaliwanag sa akin, binibigyan niya pa rin ako ng respeto. Ayaw ko siyang kausapin dahil natatakot ako sa maaari niyang ipaliwanag, na baka nga aminin niyang mahal niya pa rin si Angel at hindi pa siya nakaka-move on dito. Nasa wisyo na si Oliver, hindi na siya lasing. Malaki 'yong chances na iyon ang aminin niya.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magsimula itong kumanta.

Sorry na, Pwede ba by Kaye Cal

Di ko nais na magkalayo tayo
Nagselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman tunay bang ganyan
Bumalik ka naman

Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba

Nakatitig lang ako sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Naalala ko na naman 'yong litrato na nakita ko, kung paano niya bigkasin 'yong pangalan ni Angel at sinabing mahal niya pa ito. Nararamdaman ko na naman 'yong sakit sa dibdib ko.

Buhay ko'y nasayo
Matitiis mo ba ako oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry pwede ba

Kahit na ano pa ang iyong gusto
Okay lang basta't magkabati tayo
Minamahal kita hihintayin kita
Sorry na pwede ba

broken trustWhere stories live. Discover now