26. Boyfriend?!

811 114 28
                                    


Chapter 26: Boyfriend?!

Nang pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay naisipan nilang libutin ang buong bahay namin. At dahil I'm one of the owners of this house, they make me as their tour guide. Ang dami nilang alam, ayaw na lang libutin itong bahay namin nang sarili na lang nila, hindi 'yon kailangan ko pa silang i-tour. Arte.

Nang pagkarating namin sa favorite spot ni Mama sa bahay na ito, which is 'yon Garden, I'm too suprised when I saw how vivid and tidy the flowers here is. Last time na nagbakasyon kami dito ay wala ng mga bulaklak at mga cactus na natira dito, halos lahat ay nasira na dahil hindi na naaalagaan ni Mama. Pero nagulat ako nang nagkaroon muli, at mas nagulat ako nang makitang lahat ng paboritong bulalak ni Mama ay kumpleto.

Kung makikita niya 'to, I'm pretty sure she's super happy pero hindi ko alam kung magiging masaya din siya kapag nalaman niyang si Papa ang may gawa ng lahat na ito.

-

Nang pagkatapos namin maglibot ay tinawag ako ni Tita Bella para raw gumawa ng Puto Cheese, pumayag na ako kasi besides sa wala akong magawa rito sa bahay ay gusto ko rin tumulong sa kanila.

"Where are you going?" Papalabas na sana ako ng bahay nang biglang sumulpot si Oliver sa harapan ko. Nakita ko siyang may hawak na kape, siguro nanghingi siya ng hot water kay Tita.

"Gagawa ng puto." Sagot ko at nilagpasan ko na siya sa paglalakad.

-

Everyone look so busy today when I came here in my Tita bella's house, halos lahat sa kanila ay may ginagawa, miski sa labas o sa loob ng bahay. Itong bahay kasi ni Tita Bella ay pinag-o-orderan ng mga pagkain, katulad ng mga pansit, pansit malabon, pansit palabok, shan hai, lumpiang gulay, puto and ect. Dahil fiesta na bukas ay maraming um-order sa kanila, siguro mamayang gabi ay sobrang pagod na pagod si Tita.

Habang papasok na ako sa bahay ni Tita Bella ay halos nasa akin ang tingin ng mga tao na nagluluto or kahit mga bata. There's something wrong with me? May dumi pa ako sa katawan?

Pumunta na ako sa kusina at hindi na pinansin ang mga tao na nakatingin sa akin. Weird.

"Ikaw na ba ang anak ni Milla?" Tanong ni Kuya Remy. Trabahador siya ni Tita Bella kaya kilala ko siya.

"Opo." Magalang kong sagot.

"Eh 'yan kasama mo? Sino 'yan?" Huh? May nakikita ba siya na hindi ko nakikita? Wala naman akong kasama. Nakakapagtaka.

"Sino po?"

"'Yan nasa likod mo." Agad akong tumingin sa likuran ko. Nagulat ako nang makitang nandoon si Oliver. Gosh, he followed me here. Bahagya niya akong binigyan ng nakakalokong ngiti.

"Anong ginagawa mo rito?"

"I just want to help you." Sabi niya sabay higop ng kape na hawak niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Iha, sino nga 'yan bagong salta na 'yan?" Napatingin ulit ako kay Kuya Remy.

"Si Oliver po. Kaibigan ko po."

"Hello po." Nakipagkamay naman si Oliver at tinanggap naman ito ni kuya Remy.

"Alam niyo, d'yan din kami nagsimula ng asawa ko, kaibigan lang daw kami tapos hanggang nagustuhan na namin ang isa't isa."

"Hindi po mangyayari sa amin 'yon." Sabat ko.

"Aysus, malay mo kayo rin pala ang magkakatuluyan. O s'ya magluluto pa ako ng pansit. Maiwan ko na kayo d'yan." Naglakad na siya palabas ng bahay ni Tita. Jusko, kahit lumipas pa maraming kalamidad na mangyayari, never kong magugustuhan si Oliver and I guess gano'n din siya sa akin.

broken trustWhere stories live. Discover now