56. He Admits Everything

506 48 2
                                    

Chapter 56: He Admits Everything

We finally reached out our destination but there's a problem, Prince couldn't get out from the car because he worried for himself. Pinagsakluban na ng langit at lupa ang mukha nito ngunit sa huli, napilit ko rin siyang lumabas. Halos sumakit na ng t'yan ko sa kakatawa dahil sa hitsura niya.

"Ano? Gusto mo pang ituloy ito?"

"Wala na rin naman ako magagawa after all. Mapilit ka, eh."

"Saglit," Inilabas ko ang phone ko. "Picture muna."

"Ayaw ko nga. Wala sa usapan iyan!"

"Eh, ano ngayon?" Bago pa siya makapag-react ulit, kinunan ko na siya ng picture. Medyo blurred ang kuha ko pero ayos lang, halata namang siya iyon.

"I-delete mo nga iyan!" Pilit niyang kinukuha sa akin 'yong phone ko until there's a weird moment had happen. His face got closer to mine, ramdam kong nakulong na ako sa mga bisig niya. Sandali kaming nagtitigan at parehong gulat ang mga mata.

Nang mahimasmasan, inilayo ko na ang mukha ko sa kanya. Tuluyan na rin siyang lumayo at napakamot ng sintido. It was one of the most awkward 10 seconds of life. Iyon ang unang beses na nagkalapit ang aming mga mukha. Akala ko sa mga movie lang puwede mangyari iyon, kumbaga scripted but I was wrong, it can be also actually happen in real life experience.

"So, tara na?"

"Tara na."

Nilamon ng isipan ko ang mga nangyari kanina sa amin ni Prince. Awkward kaming naglalakad ngayon papunta sa Windmill hanggang maramdaman kong nagiging center of attention na pala kami. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay sa amin nakatuon, tumatawa at nagbubulungan. Medyo nakakaramdam na ako ng hiya ngunit naisip kong ano pa kaya itong katabi ko?

"Bilisan mo nga maglakad. Nahihiya na ako," Sambit nito habang doble ang bilis na ginagawa sa paglalakad.

"Sus, huwag kang mahiya. You should be proud of, kasi babae ka ngayong araw."

"Nababaliw ka na ba?"

"Gusto ko lang ipapala sa iyo ang sinabi mo kanina. Minsan lang maging babae, 'di ba? So, panindigan mo 'yan!" I teased him.

"Gag*. Nevermind, bilisan mo na lang d'yan."

Nang makapunta kami sa windmill na malapit sa may tindahan ng mga merchandise, kumuha lang kami ng ilang lirato at naisipang umupo muna sa may damuhan; harap ng lawa at nakasandal ang mga likod sa windmill. Tirik na tirik ang araw ngunit malamig pa rin ang simoy ng hangin.

"Let's continue the game!" Masigla nitong sabi. Minsan naiisip kong bipolar itong tao na ito, bigla-bigla na lang nag-iiba ang mood.

"Wait? Hindi mo pa nagagawa ang punishment."

"Okay. Gagawin ko na," Huminga siya nang malalim at sinagot ang punishment; na magsasabi ng isang bagay na hindi ko pa alam tungkol sa kanya. "Na-attempt ko ng mag-suiside."

I get shocked. "Tarantado, totoo? Bakit?"

"Anxiety... and it was because of family problem. Katulad nga ng mga kuwento ko sa iyo noon, pakiramdam ko mag-isa na lang ako, pakiramdam ko pinabayaan na ako ng mga magulang ko dahil sa pag-seperate at pagbuo ng bagong nilang pamilya. They forced me to become an independent person even I'm just 19 year old. Kaya nga noong bumisita si Papa sa bahay, sobrang saya ko, hindi ako nagalit, kung hindi ay sumaya pa ako lalo," Deretso lang ako nakatingin sa kanya at nakikinig. I suddenly remember the lady that his father with, ayaw ko nang magtanong about doon, kasi alam ko ayun na ang bago nitong asawa. 

"Naiinis nga ako sa sarili ko, eh. Ang hina ko pagdating sa problema para isiping mag-suicide, kaso may dumating na babae sa buhay ko, an angel who cheer me up. Simula noon, naging maayos na ang daan ng buhay ko. Siyempre, thankful ako para doon. Siya nga 'yong crush ko, eh."

broken trustDonde viven las historias. Descúbrelo ahora