21. Guilty

847 130 35
                                    


Chapter 21: Guilty

"Kuya?" Nandito na ako sa bahay at nakain na nang hapunan. Ngayon ay balak ko na rin sabihin sa kanila na ninakaw 'yong bike ko, siguro'y si mama alam na 'to, even she didn't ask me about it, I know she already noticed it our garage, nakita ko kasi siyang umiling-iling habang nakatingin sa pwesto kung saan dapat nakaparada doon 'yong bike ko.

"Ano? Sasabihin mo sa akin na nawala 'yong bisekleta mo?" Hindi na ako magtataka kung bakit naitanong na niya sa akin agad 'yan dahil baka nasabi na sa kanya ni mama or baka napansin din niya sa garahe.

"Yes?.. Pero kuya hindi ko sinasadya. Actually hindi talaga siya nawala eh, someone stole it no'ng nasa loob ako ng McDo." Hindi ako makatingin nang maayos kay Kuya John, tanging nakatingin lang ako sa pagkain ko na nilalaro-laro ko lang. Wala kasi akong ganang kumain ngayon dahil sa kaba ko.

"Natatakot ka ba na sermonan kita?" I nodded at him. "Huwag kang matakot, alam kong aksidente 'yong nangyari." This time, may lakas-loob na ako para tumingin sa kanya nang deretso.

"But kuya? I remember pinag-ipunan mo 'yon sa allowance mo dati 'di ba? Para lang maibili ako? Sayang naman 'yong pagtitipid mo tapos may nagnakaw lang."

"Jamilla, I understand your point. Marami na naman 'yon sira at almost 5 years mo na rin naman 'yon napakinabangan 'di ba? Kung hindi na maiibalik sa 'yo 'yon okay lang sa akin, kung maiibalik man e di mas okay." Hindi ito 'yong ine-expect kong mangyayari, kasi akala ko papagalitan niya 'ko, but I was wrong, kapag nagsasalita siya ay napaka-kalmado lang.

"Sabagay.." Tama naman siya pero first bike ko 'yon eh, mahirap palitan lalo na't ang tagal na no'n sa 'kin. May sentimental value na rin.

Kahit gano'n 'yon sinabi ni kuya, aasa pa rin ako na mahahanap 'yong bike ko. Walang imposible, basta maniwala lang.

"Pero Jamilla, matagal pa bago ulit kita maibibili, I can't really reduce my allowance for now, kasi I am college student already, marami nang gastusin. But don't you worry, ibibili kita. Promise." I suddenly remembered the promise that my long-lost father did not fulfill for me. Kaso 'yong kay kuya, alam kong gagawin niya 'yong pangako niya sa akin pero kapag hindi niya natupad iyon hindi 'yon magiging rason para hindi ko siya pagkatiwalaan ulit kasi maiintindihan ko kung bakit hindi niya natupad, hindi katulad ng tatay ko na bigla na lang siyang nawala. Kasabay rin nang pagkawala ng tiwala ko sa kanya.

"Kaya from now on, maglakad ka na lang muna. Malapit lang naman 'yong school dito eh." Tumango-tango na lang ako sa sinabi ni Mama.

-

Kinagabihan, sinabunutan ko 'yong sarili ko habang nakaharap sa salamin.

"Bakit gano'n?" Saad ko. Umupo ako sa gilid ng kama at hinayaan tumulo 'yong luha ko.

Bakit gano'n? 7 years has been passed when my father left us. Bakit ngayon naaalala ko na naman siya? Bakit gumugulo na naman siya sa utak ko? Bakit no'n nag-usap kami ni Jess kanina ay nagsimula na ulit siyang maglaro sa isipan ko? Matagal ko na siyang kinalimutan pero bakit tuwing may mga mabagay na naka-konektado sa kanya ay hindi ko maiwasan na maalala siya?

Flashback...

"'Nak tara na, kain na!" Rinig kong sigaw ni Mama mula sa loob ng bahay namin, nandito kasi ako sa garden niya dahil naglalaro ako ng bahay-bahayan.

"Teka lang po Mama!" Sigaw ko. "Baby Penny at Baby Memmy d'yan muna kayo ah, kakain lang muna si Mommy. 'Wag kayong mag-aaway." Ni-hug ko muna 'yong mga teddy bear ko bago pumasok sa loob ng bahay namin.

broken trustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon