50. Bit Disappointed

430 43 0
                                    

Chapter 50: Bit Disappointed

Ngayon na ang araw ng exam, mabuti't three subejcts lang ang i-e-exam namin per day. Ibig sabihin, 12 noon whould be our dismissal.

Hinihintay ko pa lang si Oliver dito sa harap ng bahay namin para sunduin niya ako ay saktong labas ni Prince mula sa bahay niya. He smiled, so was I, too.

"Good Morning!"

"Good Morning."

"May i-rerequest nga pala ako sa iyo," Lumapit ito sa akin.

"Ano iyon?"

"Bibisitahin kasi ako ni Papa this coming saturday, and titingnan niya kung okay ba raw ako rito. Favor ko lang kung puwedeng tulungan mo ako mag-general cleaning ng bahay ko? Hindi ko kakayanin mag-isa, eh."

"Uhm.. I'll check, baka kasi may practice ako ng role playing that day, eh," Kita sa mukha niya ang pagkadismaya.

"Ganoon ba?"

"Oo. But don't worry, kapag wala. Sasabihan kita agad."

"Salamat!" Ngumiti ito sa akin. "Hoping that you'll come," Sabi pa nito. "I'll go ahead. Baka maabutan pa ako ng boyfriend mo rito, kagulo na naman sigurado," He chuckled.

"Loko. Sige na, kita na lang tayo sa school," Ngumiti lang siya sa akin at tuluyan na naglakad papalayo.

Out of nowhere, there's a question pop up to my mind. Did he already go into relationship? Sa edad niya iyon, imposibleng wala pa siyang nagiging girlfriend. Actually, guwapo naman siya, matino, mabait at hindi pala-away. Kaya hindi imposibleng maraming nagkakagusto sa kanya. But here's my real question, nagkagusto na ba siya sa isang babae? Kahit crush manlang? Kung oo, sino kaya? Mabiro nga isang beses baka mapaamin ko.

Lumipas pa ang ilang minuto, nakita ko na rin sa wakas ang mabilis na pagpipidal ni Oliver ng bisikleta niya. Napakunot ako ng noo dahil sa hitsura niya, usually hindi siya pawis na pawis kapag dumarating ngunit ngayon, halos basang sisiw na.

"Hays, I'm sorry for being late. Napasarap ako ng tulog," Hingal nitong sabi. I immediately get my tumbler from my bag and give it to him.

"Okay lang naman. Pero sa susunod, huwag ka nang magmadali, baka maaksidente ka."

"Maaksidente agad?"

"Hoy! Hindi natin masasabi ang kapalaran, baka mamaya nabundol ka na pala ng truck d'yan sa kalsada!" I exclaimed. "Besides, look at yourself, you're too sweat. Ew, ang baho."

"Talaga ba?" Inilapit niya sa mukha ko 'yong kili-kili niya at pilit ipinapaamoy sa akin ito ngunit pilit ko rin itong inilalayo. Gosh, to be honest, it smells good. But still, kadiri pa rin.

"Ano ba! Lumayo ka nga!" Bulyaw ko sa kanya pero hindi niya ito pinansin, sa halip ay patuloy lang siya sa paglapit ng kili-kili niya sa mukha ko. Pambihira.

"Payakap na lang!" He grabbed my waist and hugged me tight. Halos umusok na ang ilong ko dahil sa kakulitan nito. Mas lalo akong nainis nang maramdaman kong lumalapat na sa akin 'yong pawis niya mula sa braso niya. Kadiri talaga.

"Let me go!"

Mas lalo niya akong niyakap. "Just for a second," He whispered.

"Why?"

"Kahit pagod ako sa mabilis kong pagpipidal, okay lang. Lakas ko naman 'yong pupuntahan ko. Please, just stay."

"N-nandyan sina Mama at Kuya, b-baka makita tayo," Finally, he slowly removed the grip.

"Oo nga pala," Sumimangot siya at umiinom ulit ng tubig. "Ba't parang namumula ka?" Usisa niya.

"Huh? W-wala lang ito," I stuttered.

broken trustWhere stories live. Discover now