Simula

12.3K 245 6
                                    

Chevy Niara Reedus

"ANG KAPAL NG MUKA NG BRUHILDANG IYON! SINONG MAY GUSTO TUMIRA SA BAHAY NA KASAMA SIYA?? PWEE! WALA NA AKO PAKIELAM!  WAG SIYA MAG-ALALA WALA NA AKO BALAK BUMALIK SA BAHAY NA IYON!" Sigaw ko na nangangalaiti habang padabog na naglalakad at hinihila ang isang maleta

Sinong hindi mababadtrip kung palayasin ka sa sarili mong bahay! OO SA SARILI MONG BAHAY! Ang kakapal hinayaan ko silang api-apihin ako ng limang taon at maging katulong nila para lang hindi nila ako palayasin sa bahay tinanggap ko rin na hindi nila ako pag-aaralin para hindi ibenta ang bahay pero tingnan mo ang isinukli nila saakin pinalayas nila ako! Oras talagang mapatunayan kong bahay ko iyon ay palalayasin ko sila

"WAG KAYONG TINGIN NG TINGIN SAAKIN DUDUKUTIN KO MATA NIYO!" Sigaw ko at inirapan sila tsaka padabog na naglakad ulit hanggang sa makarating ako sa isang park na walang tao dahil ala singko na ng gabi

Umupo agad ako sa isang swing at malakas na dinuyan iyon.

"Humanda talaga ang emily na iyon pati na ang dalawang anak nila! Oras na bumalik si cinderella este chevy kayo gagawin ko mga katulong" inis na bulong ko habang nagduduyan parin

Pero namomoblema ako una ay dahil wala na ako titirahan so magiging palaboy ako? Pangalawa , Wala ako trabaho at for sure walang tatanggap saakin grade 7 lang natapos ko plus wala ako kapera-pera dito maliban sa limang piso na napulot ko kanina at ano mabibili ko rito? Chichirya? Mapapalamon ba ako nito hindi!

Inis na tumayo ako at dumiretso sa isang gate papasok sa may isang magandang balon. Madalas kami nila mama dito dati nong bata ako kaya nagwiwish ako palagi rito matagal na nong huling punta ko rito at wala pa ring pinagbago maganda parin

"Naniniwala ako na magical ka balon at swerte ang limang pisong napulot ko sana tuparin niyo ang hihilingin ko" hinalikan ko ang limang piso bago binato sa balon at pumikit at pinagsaklob ang dalawang kamay sa tapat ng dibdib ko at bahagya yumuko "Please kung totoo kang magical na balon tuparin mo sana ang limang kahilingan ko sympre lima dahil limang piso ang hinulong ko. Unang-una sa lahat sana ay matirhan ako sana may mabait na magpatira saakin kahit maliit lang na bahay ayos na ako basta may matirhan lang ako. Pangalawa , Sympre need ko ng work kahit maging katulong lang ako ayos lang tutal limang taon ako naging katulong sa puder nila emily bantot! Pangatlo is sana wala ng mang-api saakin di charot lang gusto ko sana kung magkakaamo o magiging boss ko sa trabaho ko is yung mayaman na gwapo ganon para matupad yung huling wish ko di charot lang pero sana mabait siya. Pang-apat , Sana maghirap yung emily na iyon di charot lang pero kung bibigyan ako ng pagkakataon gusto ko sana mag-aral muli sana payagan ako ng magiging amo ko! Pang-lima ang last wish ko dahil isa akong kulang sa aruga at pag-mamahal nitong mga nakakaraang taon gusto ko sana mahanap na ang lifetime partner ko di joke lang hahahaha pero kung magkakajowa ako sana yung mayaman no? Para bongga!"

Natawa pa ako ng matapos ang limang wish ko at parang gusto batukan ang sarili ko dahil nilaglag ko ang limang piso sa balon ano na kakainin ko ngayon? Lupa! Letche! Pero sana naman hindi nasayang yung limang piso na nilaglag ko here kasi kapag di nagkatotoo wish ko gigibain ko tong balon at lalagyan ng lupa ang balon ng di na makaloko pagod na ako sa loko loko na iyan

"Balon babantaan kita dahil magugutom ako ngayon kapag hindi natupad wish ko gigibain talaga kita makikita mo! Dadaanin ko na to sa dahas!" bulong ko at tumawa ng sobrang lakas na parang isang witch ito ata nagagawa kapag naging isa kang homeless girl pweeeee

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now