Kabanata 22

2.6K 103 5
                                    


Chevy Niara

Nagkatinginan kami ni ange ng may lalaking nagpakilala saamin na siya raw ang hinahanap ko pero obviously hindi siya iyon

"Ah... Patawad ngunit hindi ikaw iyong hinahanap ko e" saad ko at pilit na ngumiti tatlong araw na simula ng ipaskil ni ange ang iginuhit niyang larawan ni mr.kidnapper at napagdesisyonan ko na itigil na at maglakbay na lang para hanapin ang lintik na lalaking iyon at ngayong araw dapat ang alis ko papunta sa isang bayan pero pagkalabas namin ni ange ay may lalaking nagpakilala na siya raw ang hinahanap ko pero hindi niya naman kamuka? Paano niya nasabi na siya iyon

Nakipagtalo pa ito saakin na siya daw ang hinahanap ko kaya napaaway pa ako dahil hindi naman talaga siya. Galit itong umalis at sinabing pagsisisihan ko daw ang ginawa ko wow?

"Baliw ba ang lalaking iyon?" hindi ko maiwasang itanonh at binitbit ang isang tela na naglalaman ng gamit ko atsaka naglakad na papunta sa sasakyan kong karro papunta sa malapit na bayan rito

"Ewan ko hahaha" tumatawang saad nito habang kasabay kong naglalakad hindi ko tuloy maiwasan na hind mapailing sa sinabi nito

Panay ang tawa ni ange hanggang makarating kami sa sasabayan ko papunta sa isang bayan kilala ito ni Ange kaya libre ang sabay ko rito magdadala kasi ito ng mga gamit na ibebenta roon kaya sumabay na ako para hindi na ako gumastos

Sa tatlong araw ko rito ay tinulungan ko si Ange sa kanyang tindahan ng mga bulaklak at ayun nagkapera ako kahit papaano kaya mas lalo akong nagkadahilan para ituloy ang pag-lakbay para hanapin ang gunggong na iyon

"Manong Pedro kayo na ang bahala sa kaibigan ko ha?" saad ni ange sa manong na nagreready na para sumakay sa karro sa unahan "Sumampa ka na chevy. Mag-ingat ka roon ah? At wag mo kalimutan bumalik rito kapag nahanap mo na ang lalaking iyon" dugtong pa nito at tinulak pa akong bahagya

Bigla ko nakagat ang labi ko kasi kapag nakita ko si mr.kidnapper baka hindi na ako makabalik rito dahil bugbugin ko talaga ang lalaking iyon kapag nakita ko at pipilitin ko iuwi na niya ako

Hindi muna ako sumampa at hinarap at seryosong tiningnan si ange na may pagtataka sa muka nito

"Ange, Salamat talaga hah! Sobrang salamat talaga" pagsasalamat ko sakanya kaya natawa ito at muli ako tinulak dahil paalis na ang karro

"Oo na sige na umalis ka na baka maiwan ka pa" saad nito kaya mabilis ako sumampa sa karro kung saan kasama ang mga gamit na ibebenta ni manong sa kabilang bayan

Tingnan ko si Ange na kumakaway ng paalis na ang karro ganon rin ako hanggang sa mawala na ito sa paningin ko

Umupo ako ng maayos at niyakap ang tuhod ko ngayon ang kailangan ko intindihin ay ang lintik na si Mr.Kidnapper humanda talaga ang lalaking iyon kapag nakita ko siya

DEATH

"Sinasabi mo bang hawak ng mga prinsipe ng spade ang blood stone?" agad ako napayuko sa tanong nito dahil ramdam ko ang pagka-inis at galit nito sa ibinalita ko "Death , Malaki ang tiwala ko sayo at hindi ako makapaniwalang pumalpak sa isang to!" lalo ako napaayos sa pagkakaluhod ko sa harap nito dahil sa sinabi nito

"Ohmygosh! Sinabi ko naman sayo lord gray ako na lang ang kukuha ng blood stone e" mabilis kong binalingan si karen na dekwartong nakaupo sa may isang upuan hantad na hantad rin ang makinis at maputing hita nito dahil sa maikling suot nito "Huwag mo akong tingnan ng ganyan death kung ayaw mo patayin kita" nakangising saad nito habang iniikot ikot ang inumin sa loob ng kopita

"Huwag kang ganyan kay kuya clay alam ko na may dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang misyon niya" sabat ni alice na nakasalampak sa sahig at busy sa hiwa sa maliit ng braso at hitang dinala ko para sakanya

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon