Kabanata 20

2.6K 116 1
                                    

Hatol

CHEVY NIARA

Nang-ilayo nito ang labi nito saakin ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag what the heck?!?!

"Prince Clay bawal po painumin ang -----"

"Ako ang uminom hindi niyo ba nakita" ani nito gamit ang masungit na boses hindi na nakapagsalita ang maid at ang mga kawal dahil sa sinabi ni prince clay

Ininom nito ang natitirang tubig at muli ako pinainom gamit ng bibig nito

Bawal lunok ko ay patindi ng patindi ang kabog ng dibdib ko dahil sa paraan ng pag-papainom saakin ng prinsipe

Matapos non ay inilayo nito ang labi at pinunasan ang kaunting tubig na natapon saaking baba

Hindi ako makatingin sakanya dahil sa sobrang kaba at hiya ko sa nangyari

"Prince clay , Kailangan nating umalis na baka malaman ng hari't reyna na pumunta ka rito" magalang na saad ng maid kaya napahawak ako sa damit ni prince clay at tila nawala ang hiya dahil napalitan ng takot muli

Umiling-iling ako habang nakatingin kay prince clay

"Chevy, Ilalabas kita pangako pero gusto ko magtiis ka muna rito at sabihin lang ang totoo" humigpit ang hawak ko sa damit niya hindi ko na kaya magtagal rito "Naniniwala kaming wala kang kasal-----"

"Ayoko na dito. Wala na akong kasalanan. Wala akong pinatay inosente ako" nagsimula nanaman magtubig ang luha ko habang nakatingin sa prinsipe natatakot ako rito kaya ayoko na magtagal

Hinawakan nito ang kamay ko at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya

"Chevy , Maniwala ka saakin. Iyon lang ang kailangan ko magtiwala ka at maghan----Ano ba?" galit na inalis ng prinsipe ang kamay ng kawal sa kanyang braso

"Prinsipe , Patawad ngunit kailangan ka namin dalhin sa ----"

"Hindi ako magpapakita sa hari hangga't hindi niya inilalabas dito si chevy!" galit na sigaw nito pero hinawakan na siya ng mga kawal para ilabas sa kulungan agad naman ako tumayo pero hinawakan rin ako ng dalawang kawal para pigilan

"PRINCE CLAY WAG MO AKO IWANAN!" sigaw ko at pilit na inaabot siya pero hindi ko magawa dahil sa dalawang kawal na humaharang saakin

"Chevy hintayin mo ako ilalabas kita jan" yan ang huling sigaw nito bago mawala ng tuluyan saaking paningin malakas na itinulak ako ng isang kawal at lumabas ng kulungan

Iyak lang ako ng iyak habang nakasubsob sa malamig na sahig ng kulungan pakiramdam ko kapag nanatili ako rito may masamang mangyayari

Wala pa sigurong limang minuto ng may pumasok na mga kawal muli sa loob ngunit kakaiba ang unipormi nila tila isa silang mga mataas na tao

"Oras na" saad ng lalaking medyo matanda na at kinuha ako ng dalawang kasama niya at kinaladkad sa kung saan

Mas lalo ako kinabahan dahil hindi ko sila kilala o ano basta ang alam ko may masamang mangyayari

Umiiyak ako habang hila-hila ng dalawang lalaki hanggang sa makarating kami sa isang hindi ko alam basta itinali nila ako sa upuan sa harap ng isang table na may laman na gamit ko

Nasa harapan ko ang lalaki tila may mataas na posisyon dito seryoso itong nakatingin saakin

"Saiyo ba ang mga gamit na ito?" tanong nito saakin mukang isang interrogation ito about sa nangyari ang sabi ni Prince Clay sabihin ko ang totoo

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon