Kabanata 30

2.5K 99 0
                                    


LEVITICUS/LEVI

Muntik pa akong madapa ng magtransform ulit ako pabalik at tumakbo palapit sa isang pamilyar na bulto na nakahiga sa lupa

"SIMON!" sigaw ko at hinarap siya saakin nakita ko ang madaming sugat sa kanyang buong katawan mababakas rin sa muka nito na nanggaling ito sa matinding laban "Simon!" tawag ko muli rito at inalog alog "Simon gumising ka!" sigaw ko pero hindi ito nagising napansin ko na mukang kanina pa siya ganito kung ganon bakit hindi gumaling ang sugat sa kanyang buong katawan at muka maliban na lang kung gumagamit ng pilak ang kalaban namin

Ngunit walang dalang kahit na anong pilak ang mga tauhan ni death

Ilalabas ko sana ang injection na nasa bulsa ko ng marinig ko ang mga yapak ng mga kalaban mukang sinundan ako ni death

Binuhat ko si simon at mabilis na nilisan ang lugar sa mga oras na ito hindi ko mahahanap ang babae lalo't masama ang kalagayan ni simon

Sana lang ay makatakas ang babae.....

SOMEONE POV

Mabilis ko ibinato ang babaeng hawak hawak ko sa leeg ng makitang wala na itong malay dahil sa ginawa ko sakanya

Nawalan siguro ito ng malay dahil sa dugo nawala sakanya ng tanggalin ko ang braso nito at sa mga natamo nito saakin

Sinipa ko ang sirang pamaypay na nasa paanan ko at naglakad na palayo lalo't nararamdaman ko na ang presensya ng ibang kalaban papunta rito

Ang importante ay nailigtas ko ang babae gaya ng utos ni master millie saakin

Nagteleport na ako pabalik sa bahay ng kaibigan ni Master Millie at naabutan ko siya doon na tahimik na sumisimsim ng gatas sa kanyang tasa

"Master Millie.." tawag ko rito at lumingon ito agad saakin "Nagawa ko na po ang inyong inuutos" magalang kong saad kaya tumango tango ito at tumayo

"Mabuti kung ganon" saad nito at lumapit sa pintuan at tumingin sa langit "Gusto ko bantayan mo siya ng maige , Maya" dugtong pa nito kaya tumango ako "Huwag mong hayaan na makuha ang bloodstone sa kanya hangga't hindi pa kinikilala ng bato na siya ang bago nitong master. Huwag mo din hayaan na makalabas ito sa mundo natin hangga't hindi namamatay si Lord Darker" dugtong ulit nito at nilingon ako ng seryosong seryoso "Palapit na palapit na ang pagbabalik ni Lord Darker kaya inaasahan ko na kapag nawala ako ikaw ang mag-aalaga sa babae para hindi mapahamak maya"

Agad ako tumango at tinanggal ang hood ng aking damit at tiningnan rin ng seryoso si master millie

"Makakaasa ka , Master. Hindi ko kayo bibiguin" saad ko at yumuko pa bilang paggalang rito

"Andito pala ang estudyante mo millie?" rinig kong saad ng kaibigan ni master sa likod ko "Maya, Tara kumain kayo sigurado ako-----"

"Hindi na po! Aalis na po ako at may misyon pa ako" saad ko bago pa man ito magsalita o si master ay nagteleport na ako sa loob ng palasyo ng spade

kailangan ko bantayan si lady chevy tulad ng sabi ni master millie dahil ito ang magliligtas sa mundo namin

PRINCE CLAY

Dumagundong ang malakas na sigaw ng aming ama ng makabalik kami galing sa academia

"PAANO NAKAPASOK ANG MGA IYON SA LOOB NG ACADEMIA?" hindi makapaniwalang tanong nito at hinampas pa ang kamay sa inuupan nito

Mababakas rin sa muka nito ang galit , pagkabigo at pag-aalala.

"Mahal ko , Paano ang anak natin?" nanginginig na tanong ni ina sa aming ama "Ayoko mawala sa atin si Niara! Nag-iisang babae natin siya!" umiiyak nitong wika at tinakluban ang muka ng kamay nito agad naman siya niyakap ng aming ama

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now