Kabanata 36

2.3K 89 5
                                    


PRINCE BRETT

"Brett----fvxk!" bago pa man makalapit saakin si Prince Eion ay humarang ang isang makapal na yelo para paghiwalayin kami

Napaluhod ako at napahawak sa kanang braso ko na tinamaan kanina ng matuli na yelo na pinakawalan ng prinsesa mabuti na lang talaga ay isang beses lang ako natamaan at nagawan ko ng paraan para hindi kumalat ang yelo sa braso ko pero mukang ngayon wala na akong pag-asa

Hindi hindi na ako at drain na drain hindi ko na kakayanin maglabas pa ng kapangyarihan lalo't nanlalabo na ang mata ko

"Ikaw ...." itinaas ko ang tingin sa prinsesa na medyo malayo saakin "Kasalanan mo kung bakit may nakatakas" saad nito at pinataas ang kamay para maglabas ng malalaki at mas matutulis na yelo

Napamura ako dahil kapag tumama saakin iyon paniguradong patay agad ako at isa pa hindi ko maiiwasan iyon

Mahina ka talaga , Brett.

Pinikit ko ang mata ko at ngumiti ng bahagya pero bigla ko nakita ang muka ni Chevy at Niara kaya napamulat ako

"No. I can't die here! Not until maayos na sila at nailigtas na sila" bulong ko at pilit na tumayo sa pagkakaluhod pero palaging ako bumabalik sa pag-upo shit!

Pinalo ko ang hita ko ng madaming beses "Gumalaw ka naman"

"Mamatay ka na" napatingin ako sa prinsesa na pinakawalan ang mga yelo nito pero bago iyon tumama saakin ay nasira iyon tila tumama sa matigas na bagay at ngayon ko lang naramdaman na napapalibutan ako ng hangin

"Anong ginagawa mo , Brett?" napalingon ako sa boses na nanggaling sa likod ko "Walang mahina sa pamilya natin at hindi pa natin naiiligtas ang kapatid natin kaya tumayo ka jan!" walang kaemo-emosyon na wika ni Prince Drax habang pinipigilan ang ibang yelo gamit ng apoy niya

"Bigyan niyo ako ng limang minuto" wika ko at nilingon ang prinsesa na galit na galit na at patuloy sa pagbato

"Limang minuto lang"

CHEVY

"Anong ginagawa mo chevy?" sigaw saakin ni Prince Clay habang umiiwas sa espada na hawak ko

"H-hindi ko alam kusang gumagalaw katawan ko" ani ko habang pilit na pinipigilan ang sarili ko na mahiwa ang prinsipe

Patakbo na sana ako kanina ng biglang hindi ako makagalaw at kusang kumilos ang katawan ko na kunin ang hinagis na espada ng kalaban ni prince clay tsaka siya inatake

"Prince Clay, Anong nangyayari saakin?" tanong ko rito habang tumatakbo at hinahabol siya at panay ang wagiwas ng espada sakanya napapikit na lang ako ilang beses na kasi muntik ko matamaan ang prinsipe

Narinig ko ang malakas na tawa ng babaeng kalaban ni prince clay kampante ito at tila tuwang tuwa habang nakatingin saaming dalawa ni prince clay habang pinapagalaw ang isang manika

"Kinokontrol ka niya .." ani ni Prince Clay at nawala ang espada nitong thunder na panay ang iwas sa mga atake ko "Masama ito" rinig ko bulong nito at umiwas sa atake ko pero umabante ito at hinawakan ang kamay ko na hawak hawak ang espada pilit na pinipigilan o inaalis ang kamay ko sa espada

Bigla tumaas kusa ang paa ko at sinipa ng malakas si Prince Clay kaya napaatras ito kumilos muli at inambang hihiwain ang ulo ni Prince Clay pero mabilis na nakaiwas si Prince Clay

"A-anong gagawin natin? Hindi ko kontrolado ang katawan ko" ani ko habang walang humpay sa pghampas sa espada

"Mamatay ang isa at matatapos ito" ani ng letseng kumokontrol saakin napatingin ako sa pinapagalaw nitong puppet napansin ko ang pagkakapareho ng kilos namin

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now