Kabanata 44

2.3K 83 4
                                    


ALEISTER

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos ang gulong nangyari sa Clove Kingdom

Nabalitaan ko ng makaalis kami sa lugar ay agad rin umalis sila ama para hanapin kami mabuti na lang at may malakas na barrier ang lugar na ito kaya hindi kami nahanap nila ama kaya lang...

"Hindi pa siya kumakain simula kahapon.." napabuntong hininga ako sa sinabi ni allen habang nakatayo sa labas ng kwarto ni chevy "Hindi rin siya lumalabas. Panay lang ang iyak niya sa loob at madalas naririnig ko na gusto niya na umuwi" dugtong pa nito kaya muli ako napabuntong hininga at napahawak sa sentido ko "Nag-aalala na ako sakanya kahit pag-inom ay hindi niya magawa"

Hinarap ko ito "Ako na bahala sakanya allen. Puntahan mo si maya at mukang kailangan ng tulong ng isang iyon" wika ko at tumango ito bago naglakad palayo

Kumatok naman ako sa kwarto ni Chevy "Chevy..." tawag ko rito pero hindi ako nakakuha ng tugon rito. Muli akong kumatok mas malakas kesa kanina baka hindi lang niya narinig pero ganon pa rin

Napabuntong hininga ako. Mukang wala na ako ibang paraan kundi ang pwersahang buksan ang pintuan

Malakas kong pinihit ang seradura ng pintuan kaya nasira ito. Napapikit ako ng mariin.

Patawarin mo ako allen. Hindi ko gusto sirain ang seradura ng pintuan mo. Wala lang ako ibang choice kundi ang gawin ito kundi baka sisihin ako ng babaeng ito kapag namatay siya

Marahan kong binuksan ang pintuan kahit tanghaling tapat ay madilim ang loob ng kwarto dahil sa hindi pagbukas ng bintana

Naglakad ako dahan dahan hanggang sa makarating sa gilid ng kama nito

"Chevy..." panimula ko pero mga hikbi lang nito ang narinig ko "Tumayo ka na jan at kumain" hindi siya gumalaw sa pagkakatalalukbong sa kumot at patuloy lang sa mahinang pag-iyak

Hindi ba siya nauubusan ng luha? Simula pagdating namin dito ay umiiyak na ata siya ng walang tigil. Mukang pati sa pagtulog ay hindi tumitigil sa pag-iyak ito

Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya pero hindi siya pwedeng manatili ganito palagi

"Chevy tumayo ka na jan!" utos ko rito at hinila ang kumot pero hinawakan niya iyon ng mahigpit "CHEVY!" saway ko rito at mas malakas na hinila ang kumot pero ayaw nito paawat

"IWANAN MO AKO ALEISTER! GUSTO KO MAPAG-ISA!" sigaw nito na paos ang boses napa-iling ako at hinila ng malakas ang kumot kaya nabitawan niya pero ginamit niya ang unan para itaklob sa muka niya habang nakadapa

"Iiwan lang kita kapag kumain ka na! Kaya tumayo ka jan at kumain na!" mahinahon utos habang nakatanaw sakanya

"Hindi ako nagugutom.." halos pabulong nitong saad pero narinig ko parin

Nagsimula mag-init ang ulo ko sa kakulitan niya "Chevy huwag mo ako lokohin! Alam ko na nagugutom ka na kaya tumayo ka ja---"

"HINDI NGA SABI!" sigaw nito ng ubod lakas.

Pumikit ako ng mariin at umupo sa may kama "Alam ko masakit pa sayo ang mga nangyayari pero kailangan mo kumain! Huwag kang makulit at sumunod ka saakin bukod doon may kailangan tayo pag-usapan kabilang na doon ang pagbalik mo sa mundo mo" paliwanag ko rito pinilit ko rin intindihan ang kakulitan niya dahil sa nangyari "Kaya kung gusto mo bumalik sa mundo mo tumayo ka jan at kumain na" nakita ko ang pag-alis nito ng unan sa ulo at pag-angat ng tingin saakin

Hindi na ako nag-tataka na makitang namumugto ang mata nito at pulang pula pati ang ilong nito namumula

"Kapag..." tumaas ang kilay ko "Kapag ba tinulungan mo ako hindi ka matutulad kay Prince Clay?" tanong nito kaya nalukot ang muka ko "Kapag ba nanatili ka sa tabi ko hindi ka mamatay? hindi ka mapapahamak?" umiling ako at ngumiti rito

FANTASIA WORLDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن