Kabanata 33

2.4K 97 2
                                    


GRAY

"LORD GRAY!" naputol ang malalim kung pag-iisip ng biglang may sumigaw sa may pintuan ko "LORD GRAY! LORD GRAY! Nasa labas ng palasyo ang hari ng Spade Kingdom" napamura ako at binuksan ang pintuan tumambad saakin ang isang utusan ko

"Asan sila death?" tanong ko rito yumuko ito bago nagsalita

"Hindi pa po sila bumabalik" sagot nito habang nakayuko nilingon ko ang dalawang babae bago ko ito inutusan

"Sabihan mo si Illiana na maghanda at aalis na kami at sabihan sila rade na pigilan ang Spade kingdom makapasok" utos ko rito at nilapitan ang dalawang babae nakahiga at binuhat sila pareho "BILISAN MO!" sigaw ko ng makitang nagtataka ito habang nakatingin saakin buhay sa magkabilang balikat ang dalawang babae

Agad ito tumakbo palayo dahil sa sigaw ko

Hindi ko alam kung bakit andito ang Spade Kingdom pero malakas ang kutob ko na naramdaman nila ang kapangyarihan ni ama. Hindi na kami pwedeng magtagal rito

----

PRINCE CLAY

"Patawad ngunit walang utos na pwede kayong pumasok" wika nito habang seryoso ang muka at nakaharang sa daaranan namin papasok sa kaharian

"Importante ang-----"

"Bumalik na lamang kayo sa susunod hindi kayo pwede pumasok" tumalim ang tingin ko rito dahil sa pagputol niya sa sasabihin ni Prince Eion

Umabante si ama pero tinutukan siya ng mga kawal ng patalim at tiningnan siya ng masama ng lalaking kausap namin

"Isa pang hakbang at dadanak ang dugo rito" banta nito kaya bigla naalerto ang mga kawal na kasama namin

"Sabihin mo sa hari na andito ako at kakausapin ko siya tungkol sa--------"

"Uulitin ko hindi kayo pwede pumasok ng palasyo" putol nito sa sasabihin ni ama hindi na ako nakapagpigil lalo't pakiramdam ko may mali rito

"Kaya nga puntahan mo ang hari at sabihin na andito kami para kausapin siy----"

"Umalis na kayo kahit anong mangyari hinding hindi namin kayo papapasukin" putol nito sa sasabihin hindi na ako nakapagtimpi at kwinilyuhan na siya

Itinutok saakin ng mga kawal ang patalim nila naramdaman ko pa sa leeg ko ang patilim pero hindi ako nagpatinag

Narinig ko pa ang saway saakin nila brett pero nauubos na ang pasensya ko sa kawal na ito

"Huwag mo ubusin ang pasensya ko lalaki hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" banta ko rito pero nakipagsukatan ito ng tingin saakin bago pa muli ako makapagsalita

Malakas nito hinawi ang kamay ko na hawak hawak ang damit nito hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba siyang ginawa dahil pakiramdam ko nawalan ng lakas ang kamay ko

"Hindi mo rin alam ang kaya naming gawin kapag naubos ang pasensy------"

Hindi nito natapos ang sasabihin ng isang malakas na pagsabog ang nangyari sa taas ng palasyo

"Sht!" rinig kong bulong ng kawal na kausap namin titingnan ko sana siya ng biglang ako lumipad palayo mabuti na lang nasa likod ko si brett kundi baka dumiretso ako palayo

"Clay!"

Napapikit ako ng makaramdam ng matinding lamig sa tyan ko pakiramdam ko pati laman sa loob ng tyan ko

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now